January 31, 2009

13 days before Valentine's Day

It's the month of February, the month of LOVE. Most of the establishments are all offering valentine's treat, concert venues are all set for valentine's show, couples are now looking on what to do on that day, our cupids are now busy shooting people with more love. But for the single people, it's a whole different story.

TL is now single. Fine. Okay lang naman. Inisip ko pa, sana may pasok ako para excuse ako sa valentine's celebration. But no! Sakto namang off ko yun. Hassle! Walang kawala. Anong gagawin ko? Makikipag-date? Makikipag-sabayan sa madla? Ngerks! I'm sure magugulat si mamiko pag nakita niya ako sa house nang araw na yun. Baka magtanong pa kung nasaan si nathan. Waaahhh!!! Valentine's Day is now becoming a nightmare!!!

Bahala na. If after 10 days after writing this entry eh walang dumating na date, sa house lang talaga ako. If I have to tell mamiko what happened to me and nathan, well, I will just have to face it. I don't want to force myself dating with someone din naman that I don't like. A friend is trying to set me up with this guy na alam ko namang di kami magki-click. Kaya mukhang malabo yun.


Oh well, shet, and I'm gonna say this like a frustrated single guy. Haha. Whoever is free, and wants to have a date with me on Valentine's Day, just let me know, and BE MY VALENTINE!!! (Now, do I sound like Oliver or Paul?) wahaha.


By the way, Boyce Avenue will be here in Manila for a free tour. Definitely, I will go to Mall of Asia to see them on February 13, at 7:00pm. Kung walang date, eh di iti-treat ko ang sarili ko sa MOA the day before February 14. Ang ka-date ko, ang Boyce Avenue. Oh di ba! Hehe.

Happy Birthday Tita Lea!!!

Meron kaming kapitbahay. Mag-asawang oldies. Ang trato namin sa kanila, parang tunay na lolo at lola namin. Ang trato sa kanila ni mamiko, parang tunay na magulang. Ang trato din naman sa amin, parang mga anak at apo din. In short, lahat nang relatives nila ang trato sa amin ay kamag-anak. Kasama nila sa bahay ay dalawang katulong at isa nilang anak na hiwalay sa asawa.

Yun si Tita Lea. Ang may birthday kasabay ni mamiko nung January 28. Kaso, kagabi siya nag-celebrate kasi kagabi lang free yung mga anak niya. So ang bisita lang was mga anak niya at kami. Napilitan na akong pumunta kasi kami nga lang talaga ang imbitado. Tamad lang akong pumunta dahil sa dalawang bagay.

First, alam kong pakakantahin na naman ako, which hindi ako nagkamali. Tuwing may okasyon sa kanila, lagi na lang nire-request na kumanta ako nang kumanta. Although I appreciate the fact that they like my voice, kaso pwede ko na silang pagkakitaan sa dami nang request. Hehe, Just kidding.


Second, crush ko kasi yung isa niyang anak na babae. Nahihiya talaga ako pag nakikita ko yun. Parang umuurong lahat nang parte nang katawan ko. She's pretty, sexy, tall, very nice, may breeding, elegant, basta lahat nang gusto mo sa isang girlfriend, nasa kanya. Pag nakikita ko kasi siya, nagiging straight ako. Shet!

At kagabi, for the first time, nameet ko ang boyfriend niya. Shet na malagket!!! Tinamaan ako nang selos. Hassle! You heard it right. I got jealous for some reason. Nung medyo bata-bata pa kasi kami, sinabi niya sa kapatid ko na crush daw niya ako. Siyempre, dedma lang ako before. Nung lumaki na, she became this very gorgeous girl. Damn! Hay! Ang weird!!!

Anyways, Tita Lea is a beautiful young mom. Dalaga pa rin kung kumilos at kung titingnan mo, maasim pa talaga. Hehe. She has beautiful daughters and cute sons. In short, maganda ang lahi, Sana, nalahian din ako. Hehe. Below is the picture of one of her beautiful daughter, ang pinaka-baby niya sa lahat. And she has a singing voice.


After eating and singing, I left their house na. But before that, we took some pictures para remembrance daw ni tita lea. Ako naman, sa utak ko, I need to get a copy of the pictures para sa blog ko naman. Hehe, which I got the copies naman. Success!!! Thanks to the power of bluetooth. Wahaha.


Happy Birthday Tita Lea!!!

January 30, 2009

Mamiko's Birthday Series II

We left the house around 3:00pm nang yesterday to go to Enchanted Kingdom. I decided to bring mamiko there kasi di pa siya nakakapunta doon. For a change lang. Ayaw pa nga nung una kasi pambata lang daw yun. Ngerks! Pero pinilit ko pa din. Sinama namin yung dalawang tita ko. Si Tajoy at si Tavi.


Btw, si Tavi (the one in red stripes), or short for Tita Vilma ang nag-alaga sa akin nung bata ako. Si Tajoy naman (the one in green), o short for Tita Joy ang nag-alaga sa kapatid ko. Kaya close kami sa kanilang dalawa. Kasama din namin si Charisse, bunsong anak ni Tajoy, at siyempre, ang kapatid ko. Ang cousin ko, hindi nakasama, may pasok kasi sa work.

Ang bilis lang nang biyahe namin. Akala ko mata-traffic kami sa SLEX kasi ginagawa pa din. Good thing hindi. 3:30pm, andun na kami. Tirik na tirik pa ang araw. Shet! Kaya bumili na agad kami nang kapatid ko nang ticket. Pagpasok, may nakalagay na sign na hanggang 7:00pm lang sila. Bad trip! Ilang oras na lang pala kami.


Anyways, in-enjoy na lang namin. Wala naman kaming magagawa. Hehe. Walang katapusang pictures. Gusto ko lang din mag-enjoy si mamiko, which is sobrang nakita ko naman sa kanya. See all of our pictures:


After umikot, pinilit kong sumakay sila nang kahit anong ride. Sayang kasi eh. Alam niyo kung ano ang pinili? Ang Swan Lake!!! Kamusta naman. Pambata. Hehe. Si Tavi, hindi talaga namin napilit. Sila Tajoy, mamiko, charisse at kapatid ko lang ang pumila. Nakipagsingitan talaga sila sa mga bata. Coot coot!!!


Katuwa di ba. Actually, mas nakakatuwa itong mga susunod na mga pictures. Makikita niyo kung gaano nag-enjoy, tuwang-tuwa at kinarir ni mamiko ang pagpadyak sa mala-higanteng swan. May pakaway kaway pa nga eh. In fairness!!!


Habang sila ay nag-eenjoy sa swan lake, nanood naman kami ni Tavi nang tribal dance show. Sakto habang naghihintay kami. Although napanood ko na ito dati, lagi pa din ako naaaliw panoorin sila. In fairness, pretty yung nag-iisang girl. At ako, medyo malayo sa kanila. Takot kasi ako sa apoy. Hehe.


Lupet di ba! Gusto ko sana magpa-picture sa kanila kaso umalis agad si Tavi. Walang kukuha sa akin. Kaya hinayaan ko na lang. Kainis! After namin sa swan lake, pumunta na kami sa Rio Grande. Ang aking pinaka paboritong ride of all rides. Hehe. Nilinlang namin si Tavi para makasama sa ride. Takot kasi yun. Si charisse naman, hindi pinayagang pumasok kaya nag carousel na lang sila ni Tajoy.


Sobrang saya kasi lahat kami nabasa. Pero ang naligo, ang birthday girl. Hehe. Nakakatuwa pa kasi first time nila mamiko at Tavi, sobrang aliw. Nagpupumiglas pa nga si mamiko tuwing nababasa. Di lang yun, pumipikit pa at tinataas ang ulo. Feeling niya malulunod ang boat. Haha. Balak pa nga tanggalin ang seatbelt. Ang sakit nang tiyan namin sa kakatawa. Sobra. Haha.


Nag-aya pa kami nang isa pang round kaso ayaw na. Gininaw sa pagkakaligo niya. Haha. Kaya nagbihis na kami. Inutusan tuloy akong kunin ang damit nila sa sasakyan. At doon lang nila na-realize kung bakit ko sila pinagdala nang extra damit. Haha. Success!!! After magbihis, picture-picture uli!!!


And for the last presentation, may isa pang dance number lahat nang dancers nang Enchanted Kingdom. Kami na lang nang kapatid ko ang nanood. Napagod na ang mga thunders. Hehe. Three sets of dance yung last show.


At siyempre, after the show, nagpa-picture kami nang kapatid ko. Nakahanap din ako sa wakas nang pagkakataon magpa-picture doon sa babaeng tribal dancer. Meron din doon cute guy na dancer na nung sinabi ko kung pwede magpa-picture, aba, hinatak ang dalawang babaeng dancer. Akala, straight ako. Kainis! Hehe.


Pagkatapos, lumabas na kami at magsasara na ang park. Pero bago yun, dumaan muna kami nang kapatid ko sa souvenir store. Bumili kami nang parehong enchanted kingdom na jacket. Magkaiba lang kami nang kulay. Coot coot!


At siyempre, to end up our enchanted kingdom journey, nagpa-picture kami sa labas together with the Wizard statue. Kahit ilang oras lang kami doon, sobrang sulit. Nag-enjoy si mamiko nang sobra. At gusto pang bumalik!!! Hala!


Gutom na gutom na ako noon. Umalis na kami at hinatid sila Tajoy sa Sta.Rosa bayan. Hay! Ang traffic. Sumakit ang paa ko sa clutch. Hassle! Paglabas nang Binan, nag-express way na kami. Hindi ko na kaya ang gutom. Pagdating sa house, kain agad. Attack!!! After, nanood lang nang TV. Maya-maya, bagsak na sa kama. Hehe.

To sum it all, I am very happy that I was able to make mamiko's birthday celebration a memorable one. We only live once. And we only get to have one mother for that. The one given to me is very extra-ordinary. And I love her for who she is. She was there for me all the time. Kahit may sapak minsan, love ko pa rin yun. Love you mamiko!!!

In fairness, mahigit dalawang oras ako dito sa entry na ito ha. Kapagod! Hehe. And this was the text that mamiko sent to me today. Hindi kasi siya vocal at expressive sa mga mushy feelings. Hehe.

"Thanks for everything...
For yesterday and for the other day..."