October 20, 2009

Busy Mode


Super busy si TL. Saan? Sa maraming bagay. Andaming pangyayari. Umattend nang binyag ni Gab nung saturday morning. Dumeretso sa Pampanga pagkatapos. Pinauwi ni mama (my ex's mom) at pinagluto nang patatim na paborito kong luto niya. Umuwi kasi si Pax pati dalawa niyang kapatid, si Ate Joie at Kuya Mei. Andun din si Kuya Boy na asawa ni Ate Joie. So reunion ito. It was nice seeing them again after a long time. Madaling araw na ako nakauwi.

Sunday naman, na-food poison ako. Hindi ako nakapasok. The hassle part of the story. Ayaw ko nang maisip. Bad trip lang. Kagabi lang ako nakabalik nang work. Super busy mode. Tambak ang gawain. And the usual monday. For the past 3 days also, I've been working with our itinerary for me and Mystery Guy's trip this coming friday until tuesday. It's our 2nd set of travel adventure.


The first one was the Bukidnon-Cagayan De Oro adventure. In celebration of our monthsary naman, we are having a Bohol-Bantayan Island-Cebu adventure. Yeah, medyo adventurous kami. I'm glad na lakwatsero din itong si Mystery Guy. Magkakasundo talaga kami. We are also cooking up our November Adventure set: Baguio-Sagada.


Nakakapagod din pala mag-prepare nang itinerary. Feeling ko ang laki na nang bill ko sa phone line ko. Tawag everywhere. Hehe. Ewan ko ba, I just can't settle for something good. I want it to be the best. I want everything to be special. Napaka-okok ko talaga. Hay! Kaya busy mode muna si TL. Even sa facebook, less time na rin. Di na nga ako nakakapaglaro nang Bejeweled masyado. Hehe. (Importante ang bejeweled??)

Busy din sa bago kong Multiply Portfolio. I created one so I can have all my pictures placed there. Wala lang. Bagong kina-aadikan ko talaga ang photography. I'm loving it so much. I even purchased a software program for my editing. Kaaliw. Worthy of time. Kaysa kung ano anong ginagawa ko sa past time ko. Mas safe pa. Walang temptation. Hehe.
Kaya di ko alam kung kelan uli ako makakapag-update dito. Bahala na. Ingat ingat na lang muna everyone. See yah!

October 11, 2009

Away From Ondoy Part II

Continuation...

This is the video of my 840m zipline experience sa Bukidnon. Not the full shot, yung start lang. Yung feeling matapang pero hindi. Hehe.



And so, after the 1st day adventure trip in Bukidnon, Mystery Guy decided to bring me to CDO's famous White Water River Rafting the next day. Of course, isang malupit na pagtanggi na naman ang ginawa ko. I did everything to convince him, but no, walang effect. Grabe talaga magmatigas. Wala akong nagawa. Nung sinabing mag-prepare na, nag-prepare na lang si TL. Huhu.


We went to SM muna to have a breakfast. Late na rin kasi kami naggising. Doon na kami nagpasundo going to the Rafting area. SM is just so near his place. Para cheesier ang breakfast, sa Greenwhich kami kumain. Hehe. At doon ako nag-tantrums uli, trying to convince him na wag nang tumuloy because I was so scared nga. But no, inamo-amo lang ako at yun, na-convince na nang tuluyan.


While waiting for the service, ikot ikot lang muna sa mall. Pero ang utak ko, ikot pa din nang ikot. Hehe. Kinakabahan pa din. Pang ilang beses na niya na-try ang river rafting kaya kampante siyang i-guarantee ako na safe naman yun. Yun na lang ang pinanghawakan ko. At yun na nga, pagdating doon, medyo buo na din ang loob ko. Wala nang choice. Hehe.


Pagdating sa baba, sa river, nagbigay na nang instructions ang guide. May mga kasama din kami sa grupo na di namin kakilala. While the instructions are given, lalong tumitindi ang kabog sa dibdib ko. May motion problem kasi ako. Kaya nga takot pa rin ako sumakay nang eroplano dahil konting uga lang, feeling ko end of the world na. Hehe. But since I'm there na, I had to give it a try na. It was like a now or never situation. See our photos...


Inabot din nang 4 hours yung rafting. I swear, sobrang sulit. At itong si Mystery Guy, saksakan talaga nang kasiyahan sa buhay, Advance na agad ang pina-experience sa akin. Hindi Beginners. Oh well, sobrang enjoy naman. I never thought it would be that fun. Although I can still recall the feeling doon sa unang uga, nasanay ka na lang after so many bumps.


Ang effect, natanggal ata yung motion sickness ko. Dahil nung pauwi nang Manila, hindi na ako kinabahan sa mga pag-uga nang eroplano, the fact na may aftermath pa si bagyong Ondoy. Ang mga adventures ni Mystery Guy, nagdulot nang magandang bagay sa akin. Laking pasalamat ko sa mga experience na binigay niya.


After nang rafting, we went home to change our clothes and had dinner in the city again. This time, he brought me to Mooon Restaurant. It was a cozy place na may pagka-ariba ariba ang theme. Hehe. Mexican atmosphere. At parang ang sosyal nang mga tao. I noticed na madami nga talagang magaganda sa CDO. Observation ko lang.


After dinner, naglakad lakad lang kami in the area para magpatunaw nang kinain. It was an opportunity to see the city at night. Never did I experience it on my first trip to CDO with Jay. And so, Mystery Guy gave that taste to me. The night was alive. There were a lot of people in the bars and restaurants. Families. Friends. All just enjoying the night. The atmosphere was so cozy. Loved it!


After walking around the area, we saw a Bingo Casino place at the top of Kyla's Bistro. Napag-tripan naming i-try. Wala lang. Pagpasok sa loob, wala kaming kaalam alam kung paano maglaro. Buti na lang may nagmagandang loob na staff na turuan kami. And guess what, after a few shots in the game, I won P500.00. Hehe. Not bad. Trip trip lang, nagka-pera pa. Swerte ata si Mystery Guy. Hehe.


He then decided to go to a Hotel where he usually hangs out. He likes to listen to the jazz band that plays cool music. Doon kami tumambay. Sinabayan nang blueberry and strawberry cheesecake ang vibes nang music para perfect ang set-up. Hehe. Until we discussed something very important matter that we thought, we already need to discuss.


After a crazy night, ayoko nang ikuwento. Nahihiya ako. (wag kang tatawa Mystery Guy) Hehe. But anyways, basta, that night na nga, TL and Mystery Guy finally made it official. We met July 26, 2009. After a series of getting to know each other, on the night of September 26, 2009, exactly after 3 months, kami na. And that's the beginning of a new chapter...

October 10, 2009

Away From Ondoy Part I

Grabe na talaga ang naging pinsala nang magkumpareng bagyo. Talaga itong si Ondoy at Pepeng, kung makapag-bakasyon sa Pilipinas, bonggang bongga. Pinaramdam talaga ang presence. I feel so bad for the victims of the 2 typhoons. Ang sakit sa dibdib panoorin ang mga balita. All you can do is pray for them.

Sa kasagsagan nang bagyong Ondoy, habang nalulunod sa baha ang kamaynilaan, si TL, nag-eenjoy sa Mindanao. Ang funnee pa, mega-update ako sa FaceBook nang mga adventures and how things are great thru my phone without knowing na lumulubog na pala ang maynila that time. When I finally logged in sa laptop, doon ko lang na-relaize what has been happening. Siyempre, nakaka-guilty di ba. Parang gusto kong i-close ang account ko sa FaceBook. Hehe.

But anyways, I had a great time with Mystery Guy. Seeing his house, his place, his dog, and going to places, eating anywhere, and just enjoying each other's company, it was a fun-filled time with him. As I have announced in one of my entry, we went to Dahilayan Park in Bukidnon to try the Zipline, and the White Water River rafting sa CDO on my second day.

Taas na ang kamay ko kay Mystery Guy, siya lang ang nakapag-pagawa nun sa akin. Sa tigas nang ulo ko, napilit niya ako. Sa duwag kong tuhod, napagawa niya sa akin yung mga yun. Ibang klase. Bukod tangi. Kaya paano ko hindi mamahalin itong lalakeng ito, kayang-kaya ako. Hay! Napaka-adventurous. Mahilig sa mga death defying stunts. Hehe.

See our first day pictures...

A view from his house. The city & the lake.

Si Max. Ang coot na dog niya.

His veranda overlooking the city.

On our way to Ketkai Mall. Backpacker si Mystery Guy.

The Skypark Grill area nang Ketkai Mall.

Papasok nang Ketkai Mall para bumili nang water.

Ang West Promenade nang Mall.

Within the vicinity of LimKetKai Mall. Nice area.

On our way to Coffeeworks.

Kyla's Bistro. Nice architectural design. Very Eccentric.

Nagmamadali???

Robinsons' CDO

Seal nang Coffeeworks

While waiting for our sundo. Inip inip...

Nag stopby muna si ravi to buy some food for his workers.

The Dahilayan Adventure Park sa Bukidnon.

Ang lamig sa Bukidnon!!!

The Roads in Dahilayan

The other side of the road

End of the long zipline

See how long it is...

Excited na excited sa zipline.

What a paradise...

Buti na lang, mahilig din sa camera...

A scenic view of the rough road part

Para ka lang nasa Baguio because of the pines trees

Getting close with me. Este nature pala..

Sarap lang mag-pose nang mag-pose...

Hay! Nakakahingal ang paakyat. I swear!!!

Pause to pose muna. Nakakahingal.

Konti na lang...

Mga palamuti sa damuhan

Malayo ang tingin...

A view of Dahilayan Park

The Park House Center

Viewing Deck

Nagkukunwari. Pagod na pagod na yan. Hehe.

The First Adventure Fun

Buti na lang ginagawa pa ito...

Feeling ko kasi, pati to, gusto niya i-try...

Do you know what I'm holding???

Demo ni Mr. Pogi...

Excited nang subukan...

Yabang!!!

Galing!!! Naka-abot sa dulo.

Hay! Kinakabahan ako niyan. Hehe.

Nagkukunwaring matapang...

Pinilit umabot sa taas

Weeeeee!!!!!!

ZipZone time na!!! Hay!!!

Mga gamit sa zipline. Imported pa yung iba diyan.

Excited na naman yung isa...

The baby zipline. Tryout area. (P200.00)

In fairness, ang sarap. Naka-upo ka lang.

Iyan ang dulo...

Ito naman ang sasakyan papunta sa longest zipline.

Naka-smile pero dumadagundong ang kaba sa dibdib...

It's a bird. It's a plane. It's...

TL!!!

Sarap lumipad. Scary pero sobrang sulit. (P400.00)

Ang masayang-masayang lalake sa zipline

Bilib din ako sa mga trip nito sa buhay...

Lahat nakaka-atake nang puso

An unforgettable experience

We survived!!!

Posing ulit

Dahilayan Resting Hut

Dahilayan Water Tank

House Side View

Magdidilim na nang umalis kami...

Time for Dinner sa city...

At Sentro

Gutom na gutom na kami. Walang kainan sa park.

Ang sarap nang food sa Sentro. Mura pa.

Ikot ikot muna sa city after dinner...

Pampatunaw nang masarap na kinain

Ang Divisoria night nang CDO every Friday & Saturday

Ang tricycle nang CDO. Coot!!!

And dessert to end the night


to be continued...