Ewan ko ba!
Nakatulog ako habang nanonood kami nang Sherlock Holmes last saturday. I was very much anticipating this movie and when I had the chance to finally see it, tinulugan ko naman siya. Hay!
I guess konti lang ang tulog ko that day. That's my hypothesis. Kaya when it was 5:20 in the afternoon, in which our schedule to watch the movie, at dahil na din siguro sa walang humpay na pag-iikot namin sa ATC habang pumapatay nang oras, napagod na ako at nakatulog.
6 days ang work ko last week because of a 2-day training. It was a long week pero ang benefit ko na lang was I had a saturday sunday off. And so, gabi pa lang nang friday, after work, dumeretso na kami ni Hubbee sa Laguna to spend our weekend with mamiko (na-miss niyo ba si mamiko?). Mag-isa lang siya kasi. My sister and my cousin went to San Pablo, Laguna to attend the fiesta there. Taga-roon kasi sila Titavi (remember titavi?).
So pagkadating sa laguna, nanood lang kami nang trip na trip at natulog na din after. Kinabukasan, gumising ako nang maaga para magbayad sana nang meralco bill. Kaso ang payo ni mamiko, sa mall na lang daw magbayad at mahaba ang pila. Sumunod ako. But I can't get go back to sleep, buhay na ang diwa ko. So I decided to clean Khenzo while Hubbee was still sleeping.
Nakapag-linis na ako nang sasakyan, nakapag-breakfast na ako nang spaghetti na niluto ni mamiko, nakapag-internet na ako't lahat at mega hanap nang hotel sa boracay, tulog pa din si Hubbee. Hehe. Inip na ako. Ugali kong pag gising na ako, gusto ko gising na din siya. Madalas, ginigising ko siya at sinisira ang tulog niya. Hehe.
Okay, let me cut the story short. After lunch, Hubbee, mamiko and I went to ATC para mag-stroll lang. At yun na nga, para magwatch nang movie na din. We wanted to spend time with mamiko and that's how we wanted to spend our saturday.
Pagpila, mga 2:00am na noon, katatapos lang nang lunch namin sa Congo Grill sa West Park, sold out agad ang Chipmunks, our first choice. Even the next chedule was sold out too. So no choice, we went to our 2nd choice, Sherlock Holmes. Kaso 5:20pm pa nga ang schedule.
So mega-ikot ikot muna, Walang katapusang ikot. Nang mapagod, naglaro muna kami ni Hubbee sa Timezone habang pina-upo lang muna namin ang alaga namin. Hehe. Pagod na rin daw siya. Suma tutal, after nang ilang oras nang paghihintay, pagpasok sa movie house, with so much anticipation, kakasimula pa lang, pumupungay pungay na ang mata ko. Panalo! At hanggang sa makatulog na ako hanggang katapusan. Winner di ba!!!
At eto ang catch. Si Hubbee, nakaka-idlip din. Love niya talaga ako! Sinabayan ako. Hehe. At pag sinabi mo sa kanya ito, ide-deny niya. Hehe.
January 18, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
This is sweet! Hanging around with mom and hubby. :)
Post a Comment