October 6, 2009
Goodbye Buntot
Tuluyan na nga akong nag-goodbye kay Buntot. Wala na siya. Nagdiwang ang mundo (mga leche). Somehow nalungkot ako. But no regrets. It was time to cut it. For 8 months, pinahaba ko si buntot. Walang nakakaalam nang tunay na dahilan bakit ako nagpahaba nang buntot. Ito na ang revelation (parang PBB lang?).
After namin maghiwalay ni Nathan, I decided to start a pledge (I know, not the pledge na binroadcast ko na hindi ko na-fulfill). I promised to myself na iki-keep ko si buntot hanggang sa muling tumibok si puso. As in yung tibok talaga. (Kung maka si buntot at maka si puso ako. Para lang mga tao. Hehe. At ako talaga ang puma-punchline sa sarli kong entry. Baliw!)
Anyways, ayun na nga. Isa siyang panata na pinanindigan ko. Kahit marami na ang may ayaw, at may ilan naman na gusto siya, kahit mainit sa batok at nakaka-tempt nang pagupitan (akala mo naman napaka-kapal nang buntot), kahit hindi akma sa trabaho ko, sinunod ko ang panata nang magkatotoo ang hiling. At nangyari nga ang hiling, ibinigay ang gusto, nakita ang katapatan sa pagsunod sa panata. Salamat!
Last month, kinausap na ako ni Kupido. Sabi niya, nahanap na daw niya ang papanain niya para sa akin. Nakikinig ako kay kupido. Aliw mamana yun. Naramdaman ko na si pag-ibig, September pa lang, kaya sinunod na si kupido, pinaputol na si buntot, at nang mangyari ang dapat mangyari, tama nga talaga siya. Hindi mali ang payo. Buti na lang mabait sa akin si kupido. Mabait yung napana.
Kukuhanan ko sana si buntot nang picture. Kaso naisip ko, bakas na lang siya nang nakaraan (ang arte, may ganun). Hay! Ang hirap pumanata. Ang hirap nang di nagkukuwento. At ang hirap nang iniiba mo yung storya para di makalkal si panata. Pero worth it naman. Hiling ko lang, hindi na sana uli ako magpahaba nang buntot. Sana, siya na nga pang-matagalan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment