Masyado nang maraming nangyayari sa mundo na kapag pinagtuunan mo nang pansin, mase-stress ka lang. Kaya kung may choice ka naman para wag ma-stress, eh di choose it.
Masyado nang stressful ang bagyo, ang mga pulitikong nangangarap maging presidente, ang mga plastic at masasamang ugali nang mga tao na naka-paligid sa'yo, ang rumaragasang pagdami nang mga PLUs at kung ano ano pa.
Para wag kang tumanda nang maaga, wag magpaka-lunod sa stress. Para happy ka lagi, wag magpaka-babad sa stress.
Simple rule in life: NO TO STRESS!!!
Sa work. Kung may choice ka namang lumayo sa mga taong eh ang hobby eh humugot nang stress sa mundo, lumayo ka. Iwasan ang mga taong ang alam ay reklamo, problema, paninira nang kapwa, pagback-fight, paggulo sa kaayusan, at kung ano ano pa. Samo't saring stressful people. What can you expect, office yan. Para iwas stress, umiwas sa mga taong stressful.
Pinipili ko ang kinakasalamuha ko ngayon sa office. Madalas kong kausapin yung may mga sense kausap. Yung may mga pangarap. Yung may mga direksyon sa buhay. Bihira akong makipag-usap nang matagal sa mga walang alam kung hindi kababawan sa buhay. Manira nang tao. Mga immature. Mga walang alam kundi mga pasarap sa buhay. Wala naman nangyayari sa buhay at career nila.
Sa friends. Kung may choice ka namang iwasan ang mga stressful friends, eh di umiwas. Dapat sa friendship, masaya madalas. Kung may seryosong part, yung ramdam mo ang sincerity. Ka-trip mo sa lahat nang bagay. Hindi plastic. Hindi rin yung iiwan ka pag nagkagulo. Choice din ang kaibigan. Pinipili.
Gusto ko sa kaibigan yung may utak. Yung kaya akong diretsuhin sa mukha. Yung kayang sumabay sa kahit anong usapan. Yung sensitive, marunong makiramdam. Madami na akong kaibigang nang-iwan. Meron din namang iniwan ko na. Stress lang kasi ibinibigay sa buhay. At kadalasan din, sila yung mga kilala ka lang pag kailangan ka nila. At stress din yung mga gusto sila lang ang laging bida.
Sa love. Kung may choice ka din namang pumili nang mamahalin mo, eh di pumili ka. Sa talamak na paglaganap nang sex, unfaithfulness, pag-tatrayduran, aids at kung ano ano pang sakit, mahirap nang maging pakawala ngayon. Hindi na ako bata para kumerengkeng pa. Alam mo na kung ano ang mahalaga at importante sa buhay. At kailanman hindi naging laro ang pag-ibig sa akin.
Nakakasawa ang lokohan. Yung di ka lagi panatag, may laging bumabagabag. Stress yun. Ayoko na nang mga ganung set-up. At ayoko ding humantong ako sa punto kung saan ang ilang kaibigan ay nagsisisi at umabot sila sa point na nalaman nilang may sakit na silang wala pa ring gamot hanggang ngayon. Sex ay sex. Panandalian lang yan. Kung may choice, look for love. Not the face, but the heart.
Marami pang bagay na nakakapang-dulot nang stress sa buhay. Iniiwasan talaga dapat yun. Hindi siya healthy. Kung may choice ka namang sumaya, then why not choose that. You can be happy at work if you know how to become wise. Same goes for friends and love. Kailangan lang talaga, minsan ginagamit ang utak. Ano pa't nilagay yan sa ulo natin...
If you have the choice, then choose the right choice.
CHOOSE NESTLE!
-punchline lang-
Hehe.
October 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Always good to avoid stress. :)
Post a Comment