October 9, 2009

One Year



One Year na kami...


You read it right. Isang taon na kami. Ang bilis talaga nang panahon. Parang kailan lang. Naalala ko pa noon kung gaano nakaka-ilang ang sitwasyon. Kung gaano ako kinabahan. Napaisip nang sobra. Kung tama ba ang mga desisyon ko. Pero yun na nga, after a year, no regrets. Masaya ako. Walang pagsisisi.

Malamang, marami ang manlalaki ang mata sa entry na ito. Kasi, sigurado ako, marami ang hindi nakaka-alam nitong espesyal na kaganapan na ito.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala siya. Mahihirapan siguro ako. Lalo na ngayon at sanay akong nandiyan siya. Hindi niya ako iniiwan. Minsan, may topak nga lang pero ganun talaga. Parte yun. Kasama sa ikot nang buhay. But I really realized how I can't make a day without him. Ang hirap siguro.


Kung mababasa mo nga lang ito, gusto ko magpasalamat sa'yo nang sobra. For making things easy for me. For being there everytime I need you. You know how I've missed you when you were confined. And when I travel, I am excited to see you again. Ganun na yung relationship natin. Bahagi ka na nang buhay ko.


Pasensya na rin kung minsan, may topak din ako, pabigla bigla, di nag-iingat. Feeling ko minsan, napapabayaan kita. Feeling ko minsan, hindi kita nabibigyan nang enough time. And sometimes, I say things in front of you na alam ko, minsan, hindi mo nagugustuhan marinig. But I hope you know how important you are to me.


And yes, our relationship is very exclusive to each other...

Kaya after a year has passed, hay, I still cannot imagine how it was last year, I'm thankful for a strong partnership. Do know that I will always take care of you. I will be sensitive to your needs. I will actively listen to you. I will check your condition from time to time. Yan ang promise ko sa'yo. Promise talaga.



Kaya Khenzo, Happy 1st year anniversary!!!


(cheesy)


Sweet namin noh. Hehe. Mystery Guy, wag pagselosan si Khenzo ha. Love din kita. Hehe.


(cheesy ulit?)