September 8, 2009

A Day With Mamiko

Pagkagaling trabaho, bitbit ang breakfast meal from KFC, sabay kaming nag-agahan ni mamiko mula sa kanyang masarap na pagkakahiga sa kama niya. Mukhang nasarapan sa lamig na dulot nang ulan. Sino nga naman ang di mag-eenjoy sa kama pag malamig ang panahon.

Anyways, while having breakfast, mamiko told me that she wasn't able to buy all the medicines prescribed to her by her doctor from her last check-up. Apparently, wala na daw siyang masyadong pera at medyo mahal yung mga gamot. In fairness, mahal nga talaga yung mga presyo nang mga gamot niya.

She has "Mayoma" daw. I dunno if I spelled it right but I remember my tita having that pero yung kay mamiko, maliit pa lang daw at kaya pang tunawin nang gamot. At yung gamot na nga yun ang di niya nabili. So I asked her to go to "bayan" (town proper) para bilhin yung gamot. Buti na lang may extra pa akong money. Ayoko nang lumaki pa yun. Kung kayang agapan, agapan na.

Pagdating sa bayan, binili na namin agad ang gamot. Pagkatapos, namalengke kami. Naisipan lang niya. Oh how I love our town center. It's where all my childhood memories are...


My elementary school, ang simbahan kung saan ako nag-communion, ang tindahan na binibilhan namin nang school supplies ko lagi, ang ale na nagtitinda nang sago't gulaman na paborito kong inumin, ang plaza kung saan ako lumalaban nang volleyball nung varsity player ako, ang suki na binibilhan ko nang masarap na halo-halo mula pagkabata hanggang sa edad kong ito.

Hay.. How I love to reminisce those times. Kung pwede nga lang bumalik sa nakaraan, yung wala ka pang iniintindi kundi mag-aral lang, maging anak lang, wala ka pang alam masyado sa mundo, waka pang mabigat na responsibilidad. Years just passed like you never noticed.


Sinugod na namin ang palengke. Ang masikip, matao, maputik at kung ano ano pang words to describe a palengke. For someone who hates crowd, dirty area, smelly place, ewan ko ba bakit automatic na may exception ang palengke. I guess the best memories I have with mamiko is in palengke eversince childhood.


Manok, baka, gulay, itlog, chicken tocino, isda, chicken embutido. Ilan lang yan sa mga binili naming ulam. Dakilang alalay at tagabuhat ni Donya Mamiko si TL. Hehe. But I'm not complaining. I am enjoying every minute.


When we're about to go back to where we parked Khenzo, she remembered to buy some bread. At alam niyo kung saan siya pumunta? Sa Mini-stop. May paborito siyang tinapay doon. Kaya ayun. Bumili din kami nang ice cream. Hindi pwedeng makalimutan yun pag napunta kaming bayan. The same thing we do since I was a child. Kaya ako lumaking mahilig sa ice cream.

Bago umuwi, nagyaya pang pumunta nang Novo si mamiko. It's a novelty store. Madami kang stuff na mabibili na mura. Ang naging ending namin, nagpabili nang kung ano anong gamit sa bahay. Can I complain? No. Naglambing na ang mamiko. Weakness ko yun. Butas na ang bulsa. Hehe.

Sabay bagsak nang napaka-lakas na ulan. Salamat na din at yun ang nagtulak sa kanya para maisipang umuwi na. May pasok pa ako. Kailangan matulog. Kaya pagkauwi, sabay bagsak sa kama agad, tulog si TL.

5:00pm, sunod sunod na malalakas na katok ang nagpabalikwas sa akin sa pagkakahiga. Ang pinsan ko, ginigising ako at walang tigil ang suka at poopoo ni mamiko. Hinang-hina na siya everytime na titigil. Pero maya-maya, attack uli sa banyo. Nag-decide na akong dalhin siya sa hospital.

Why?

Because clueless ako kung ano gagawin. I admit that at that time, I needed some medical help. Pagdating sa San Pedro Doctor's Hospital, in-admit agad siya due to "amoebiasis". I dunno if I spelled it right also, pero yung ang naging finding based from the lab test conducted immediately sa kanyang urine and stool.


Kawawang mamiko. BRAT Diet ang in-advise. Banana-Rice-Apple-Tea lang ang pwede. Naka-dextrose, nakahiga, inip na inip at walang magawa. Di sanay nang naka-tengga lang. Ako naman, nurse mode. Kasama ang pinsan ko. Nasaan ang kapatid ko? No comment. Joke. Andoon sa bahay, tagabantay nang aming mansyon. Hehe.

In fairness sa hospital, madaming coot na nurse. Pero ang "Mystery Guy", naka-sense agad, nagpadala nang maagang paalala na wag magpa-coot daw. Kaya ayun, nagbehave ang TL. Masunurin kaya ako. Hehe.

Hay! Natulog lang ako, biglang naging bangungot ang masayang palengke moment namin ni mamiko. Wag na ngang maulit. Ayoko nang naho-hospital siya. Naka-confine pa din siya upto now. Para lang kaming nagsasalit-salit sa pagbisita sa hospital. Hay! Mag-ina nga talaga kami. Hehe.

3 comments:

Anonymous said...

who is mystery guy? wahehehe behave pala ha....

Mac & Hubbee said...

kilala kita. yang wahehe mo. haha.

Anonymous said...

aw ok kilala mo paala yan...wahehehe so din na anonymous sayo! sad naman ako...