May 25, 2009

The Face of Mr. Smart

Some time last week, I was about to go to work when I got a call from Smart and they were asking me to visit their Wireless Center. My curiosity led me to their center at Festival Mall as I have no idea what was it about. I was busy preparing for work that I forgot to ask why. Hehe. Bigla kong naisip si Mr. Smart pero naisip ko ding baka nasa SM Muntinlupa siya that time so kaya I stopped entertaining wild thoughts.

Pagdating ko doon, my gollie, he was there, wearing just the most decent attire for work, shining in my eyes, and glowing like an angel. (!%*&^#*&#) Kahibangan!!! Haha. Kumuha na ako nang number pero hindi ako umupo. Lumayo ako sa kanya. Gusto ko siyang titigan from afar. Ang sarap niyang tingnan lang. Nakaka-in love talaga si Mr. Smart. Yung pagnanais ko sa kanya, tumitindi sa tuwing makikita ko siya. Lintek. Obsession na ito!!!

Bigla kong naisipang kuhanan nang picture since malayo ako sa kanya. Kumukuha ako nang pagkakataon at sakto din namang malayo pa ang number ko, kaso, yun nga, late na ako sa work. Kasi, gusto kong malaman kung ano yung dahilan bakit nila ako pinapapunta. So tamang puwesto, tamang zoom, naghihintay nang pagkakataong makuha ang mukha niya para magkaroon kayo nang idea kay Mr. Smart na. See the pictures:


Nainis ka ba? Don't worry, nainis din ako. Hindi ako maka-kuha nang matinong kuha maybe because of the zoom size na din. Nagfe-fade siya. Hassle! Nagmukha akong stalker sa kinatatayuan ko that time at sa pinag-gagawa ko. Wala pang nakuhang magandang resulta. Ang tagal kong nakatayo at ginawa yun. Medyo madami kasing tao kaya kailangan maghanap nang magandang tiyempo na hindi mahahalata.

Nung malapit na akong tawagin, pagkakataon nang makaharap uli siya di ba, si TL, alam niyo kung anong ginawa? Umatras ang puwet. Umalis. Natakot. Pumasok na lang. Bakit? Obsessed na kasi ata ko sa kanya. Baka kung ano na lang ang bigla kong gawin. Hehe. Sa kanya ko lang naramdaman itong matinding pagnanasa (not sexual). Yung tipong gusto mong maging sa'yo na siya agad. Haha. Ganung level folks!!! Kinaya niyo? Hay! So faceless pa rin si Mr. Smart. Sorry.

Pag nagkaroon uli nang pagkakataon at pag di na ako naduwag uli...

No comments: