May 5, 2009

Peek-a-boo!


I just got home. I met "him" after shift and we went to Petron SLEX for a coffee. Suppose to be sa Starbucks kaso sarado na kaya we ended up sa McDonalds. Anyways, it's not about him. Hehe. Eto na nga, pagdating ko nang room, sobrang init at kulob yung hangin. Yung kapatid ko, nag-aircon na naman while I'm not yet here kaya sarado ang mga bintana kaya binuksan ko agad para pumasok ang hangin. Siyempre, covered by curtains para di expose.

I opened my laptop para ituloy yung pag-edit ko nang mga pictures nang photo shoot na ginawa sa work kagabi. I decided to do it kahit antok na antok na ako para lang mai-adjust ko na uli ang body clock ko. Maya maya, nagsimula nang tumahol si Thokie. Not his usual tahol saying gutom na siya, but the tahol na may parang tinatahulan, which is very rare for Thokie. Napaisip na ako. Sumilip ako sa bintana kung may tao. Wala naman. So I just continued what I was doing.

Maya maya, tumahol na naman si Thokie. Sunod sunod na. Biglang lumakas yung kabog nang dibdib ko. Pakiramdam ko na may nakatingin sa akin. I was trying to ignore it pero lalong lumalakas yung kabog nang dibdib ko. Sobrang lakas na nang pakiramdam kong may tao. Sumilip ako nang palihim. Sakto pagsilip ko, may naaninagan akong mukha. Napabalikwas ako sa gulat at halong takot. Doon na tumodo yung kabog nang dibdib ko.

I was just wearing my usual room attire. Shirt and underwear. Comfortable kasi sa akin matulog nang naka-ganun lang. Lumabas ako at pumunta nang sala para dun ko silipin kung tama nga yung nakita ko. Pagsilip ko, tahimik na uli si Thokie. Pero di ako umalis. Malakas yung pakiramdam kong may makikita ako. I waited.

Then, Thokie started barking again. The same type of bark. I waited patiently. Hanggang may nakita akong anino nang tao. It confirmed that there was someone outside. Nakasilip lang ako. Hanggang sa umakyat na uli sa halamanan yung tao. It was guy. I was surprised! Actually, half half. Flambouyant. Mahaba yung hair. Matangkad. In short, para sa akin, isa siyang "Multong Bakla" sa ginawa niya.

Hindi ata nakuntento at bigla siyang walang masilip na lalake sa room ko, sumampa pa nang bakod para mas lumapit yung dungaw niya. The fact na may ilaw sa garahe naman, he was not scared to do it at baka may makakita sa kanya. At that point, sobrang lakas na nang kabog nang dibdib ko, bigla ko na lang siyang sinigawan nang "Hoy! Anong sinisilip mo diyan!!!". Balikwas si flambouyant na di alam ang gagawin.

Nataranta ako sa pangyayari. Pagkasigaw ko sa kanya, I went back to my room at nagsuot nang shorts then lumabas ako para habulin siya. I swear, sobrang init nang kamao ko that I was ready for some action. Gusto kong mambugbog. I swear talaga. Galit na galit ako. Pakiramdam ko kasi hindi una yung nangyari kanina. Parang sanay na eh. I felt I transitioned back to being a straight guy. Hehe.

Naggising si mamiko. Kinuwento ko sa kanya. Hindi na naman siya napakali din. I'm sure, topic ito bukas. I don't know what will be my dad's reaction to this. Hay! I felt so invaded (and arte!). But seriously, that was off. Mali talaga. I swear, pag nakita ko siya sa daan talaga (at natandaan ko mukha niya), sasagasaan ko talaga siya. Lintek na bakla yun. Or ihaharap ko siya kay Ash at Raech para sa isang powerful na sampal at sabunot. Hehe.

No comments: