We were picked up by the tour van (sounds like turban lang. hehe) around 7:30am. Actually, 6:45am, ready na kami ni Kumander at naghihintay na sa lobby. Sabi kasi, 6:30-7:00am daw and pick up time. Kaya ayun, excited kami. Hehe. Mga kasama namin, mga foreigners, tatlong danish at dalawang belgians. Kami, exotics. Haha. Then the adventure started!!!
Nag-enjoy ako sa 2 hour road travel. Saya! Nature tripping. Nakaka-kalma nang loob. Sarap! I enjoyed seeing the mountains of Puerto Princesa, especially the rock formations. Beautiful creations. We stopped by at an over-looking place of the Tres Marias (3 islands), pero nagwiwi ako dahil sobrang ihing ihi na ako. Alam niyo naman ang pantog ko. Hehe.
Then we arrived at Sabang Beach around 11:00am. The beach was beautiful. Ang ganda. Doon kami nag-lunch na included sa tour namin. Btw, we paid P1,500.oo per person for the Underground River Tour which inlcudes the transportation, lunch and all fees. Lahat lahat na. At nung lunch din namin dumugo ilong ko. Why? Doon na kasi kaming lahat nagkuwentuhan in one table. In fairness, naaliw akong kakwentuhan ang mga dayuhan. More english!
After an hour lunch, our tour guide asked us to go back to the pier na para pumunta na sa Underground River. Naglakad na lang kami para makita din namin yung view nang beach. Siyempre, habang naglalakad, wala na kaming pinalagpas ni Kumander. Hehe. Even our tour guide was helping us with our pictures. Kasi naman, dalawa na naman kami ni Kumander sa lakad na ito. Puro solo shots kami kasi dalawa nga lang kami. Hehe.
Maliit lang yung boat this time. Apat na tao lang kayang i-accommodate. Kaya nahati sa dalawang bangka yung grupo namin. Ang kasama namin, yung dalawang belgians na napakabait. They will travel for 6 months. They came from Japan and Taiwan na, and after the Philippines, they will go to Malaysia naman, then Indonesia, and last stop nila is Australia. I swear, yung inggit level ko, sumabog na. Hay! Sarap nun!
Buti na lang at di masyado maalon. Although kabado na naman ako pero unti unti na akong nasasanay sa alon nang dagat. Ganun pala pag pinush nang todo todo. Maganda pala ang effect. Hehe. Pagdating doon, na-inlove ako sa lugar. Ang ganda! Panalo talaga ang palawan. A must see place talaga.
Nagsimula na ang trekking papunta sa river. Hindi naman ganun kalayo pero enjoy yung trail. Ang saya. I feel so much close with nature. I always enjoy nature. Hay! I'm loving it. Kaso pagdating sa dulo nang trail, may malaking gumulat sa akin. Natakot talaga ako. Takot kasi talaga ako doon. Watch the video for you to to know. Hehe.
Yes! Takot ako sa unggoy. Ang experience ko lang sa unggoy eh yung nakatali at nakabitin sa puno, o di kaya nakakulong sa zoo. Peroo doon, they are free to roam around. Geeez!!! And they will really get your food pag may nakita kang hawak. Mabilis pa sila sa kidlat. And mind you, ang dami nila. Geeez!!!
Nagsimula na ang tour namin. We were asked to wear helmet and life jacket. Naghahalo na naman ang pakiramdam ko kasi tubig na naman. Hindi ko alam kung gaano kalalim yung sa loob just in case lumubog. Hehe. Yes, paranoid talaga ako. To the highest level. Hehe. Pero excited na rin ako to finally see the famous underground river. Pagsakay nang bangka, hindi talaga ako gumagalaw. Hehe.
Pagpasok sa loob, siyempre sinalubong na kami nang sandamumak na paniki, at napakabangong halimuyak nila (hehe, kabaligtaran is what I mean). Mabagal lang ang sagwan nang kwela naming bangkero. I swear, nag-enjoy ako sa loob nang cave dahil sa humor ni mamang bangkero. Ako na ata ang pinaka-malakas tumawa sa mga punchlines niya. Hehe. But the cave is so fuckin' nice. Deserves the nomination in the new Wonders of the World. Hope it wins!
Dahil aliw na aliw ako kay mamang bangkero, I asked him to have a shot with us which he obliged to do. Mabait siya at kwela. Kabisadong kabisado na ang script niya sa pagto-tour. Hehe. But in fairness, patok siya sa akin. Hehe. Pwede siyang maging comedianne. Ang coot coot pa. Chubby si kuya. Hehe. Parang sasabog ang pisngi. Haha! Sayang, di ko na-record ang spiels niya. Panalo kasi talaga!
It was time to go back to Sabang Beach. We were given free time to do whatever we want to do. I decided to swim, habang si Kumander, ayaw. Nag-crave sa halo-halo. Kaso, sa kasamaang palad, wala siyang nahanap. Hehe. Ako, naligo mag-isa sa dagat. Sarap! Kaso ang bad trip, mga 10minutes pa lang ata ako naliligo, biglang tinawag na nang tour guide at aalis na daw. Saya! Kaya nagbihis na agad si TL. Grrr!!! Bitin!
At eto ang funnee, nakakita ako nang tindahan nang Halo-halo. Samantalang si Kumander, hindi nakakita. Haha. kaya halo-halo ang meryenda namin sa loob nang van pabalik nang city, habang bumuhos ang napakalakas na ulan. Saya! Blessed by the rain. Ang sarap nang biyahe. Parang MTV lang. Hehe.
Pagbalik sa city at sa room namin, naligo lang uli ako. Tinext na namin si Roxee para i-meet kami at pumunta nang Bakers Hill. One of the famous spots in Puerto Princesa because of the pastries they make and the place itself. Magandang lugar for kids and for some photo shoots. Maganda kasi ang landscape doon at para siyang sosyal na mini park. Coot coot!
After namin mamili nang kung ano anong tinapay, (hehe, takaw mode) we went back to the city proper for our dinner. I decided to try Kinabuch. Our tour guide recommended Kinalui at Kinabuch kasi. So the next day na lang yung Kinalui. Kinabuch muna. Para lang siyang Balinsasayaw Grill but has more space, at meron silang big screen/projector na may basketball show. Astig! And the sisig, I swear, ang lupet. Ang sarap!!!
We ended the night by walking Roxee and Alex to their house para matunawan nang kinain (malapit na kasi yung house nila sa Kinabuch), and we stopped by at some stores to buy some handicrafts at pasalubong. Then we went back to our room na to rest. It was a great second day in Palawan. Enjoying and loving it so much. See my Day 2 Photo Shoot ek-ek. Hehe.
BUENA VISTA VIEW DECK
Second day pa lang, parang sulit na sulit na. Day 3 is more exciting. It's the Dos Palmas Tour. To my next entry for my Palawan Adventure!!! Woohoo!!!
No comments:
Post a Comment