May 21, 2009

Palawan Adventure Part I

I left home around 4:30 in the morning, with one travelling bag and a buddy bag. Sila parents ang maghahatid sa akin sa airport (parang mag-aabroad lang), pero dumaan muna nang office to pick up Kumander, Roxee and Alex. Ako muna ang nag-drive para mabilis at kailangan makauwi sila parents before 7:00am dahil coding si Khenzo. We arrived at the airport around 5:30am kahit 8:30am pa ang flight namin (excited?!).



Pagpasok sa loob, di muna kami nagcheck-in. Masyado pa kasing maaga. Tumambay muna kami sa taas nang NAIA 3 para umupo, at magsimulang magpichur pichur. Hehe. Mga wala pa kaming tulog at lahat galing work. Kaya bangag bangagan kami. Pero ayos lang, nasasapawan naman na nang excitement lalo na ako. Sobrang excited makapunta nang Palawan. Hehe. Kating kati ang mga paa.


To the max ang hiling ko sa haring araw na makisama sa bakasyon ko. Ayokong umulan. Takot ako sa eroplano hanggang ngayon kahit ilang beses na ako bumabyahe by plane. Wala lang. Adik lang talaga ako. Ayaw ko din magkaka-kain that time kasi pagdating namin sa Palawan, first tour agad kami. Baka lumobo na ako nang todo todo. Kaya puro liquids lang ako that time.


We checked-in our bags around 7:00am. Halong saya at kaba na ang nararamdaman ko. Excited makarating sa Palawan, at kaba sa pagsakay sa eroplano. Lintek talaga! Hehe. Dinadaan ko na lang sa madaming pictures para maaliw aliw lang pero hindi talaga ako mapakali nun. Mind over matter mode.


Pagsakay sa plane, itinulog ko agad para di ko maramdaman ang kaba sa biyahe. Kaso hati ang diwa ko. Lintek! Yung kalahati, tulog, yung kalahati, gising. Hassle! Pero buti na lang maayos yung biyahe. Hehe. We landed safely. Doon lang nagsimulang magsolo flight ang excitement feeling. Wala na kasi si kaba. Hehe.


The feeling was unexplainable. Finally, nakarating na din ako sa Palawan. Ang hometown ni Roxee. Dapat last year pa ako nakarating sa Palawan kaso na-cancel dahil sa bagyo. But this time, totoo na. Sa loob pa lang nang tricycle, nagsisisigaw na ako nang "Palawan!! Palawan!!". Seryoso! Natatawa nga si manong driver. Puerto Princesa is just a typical city. Medyo upgraded na because of the tourism there.


Sa bahay muna nila Roxee kami pumunta para ibaba nila yung gamit nila ni Alex bago kami ihatid sa pension house na tutuluyan namin ni Kumander. Roxee was excited too because magkikita na ulit sila nang anak niyang si Morrie na sobrang coot. Their house is coot also. Ang kulet nang konspeto. Relaxing ambience. It was nice to meet her family as well. Very warm and accommodating.


After mag-lunch sa kanila at mag-ayos nila Alex at Roxee, at pabaunan kami nang food nang mom niya for our Island Tour, hinatid na kami sa Duchess Pension House. Nilagay lang namin ang gamit namin doon tapos dumeretso na kami sa Pier for our Island Hopping. Excited kasi si Roxee kaya wala nang pahinga pahinga pa.


Masyado akong chinallenge nang bakasyon kong ito kasi lahat nang kinatatakutan kong sakyan eh yun lang ang pwedeng masakyan (eroplano at bangka). How I wish na wala nang biyahe biyahe pa pero hindi. At nung oras na yun, medyo maalon nang konti pa ang dagat. I was so hesitatant na pero ang hirap naman nang magback-out. Yun nga ang pinunta ko eh. Kay ni-rent na namin ang isang malaking bangka for the tour (P1,500.00-boat).


Ako ang unang nagsuot nang life jacket. Tahimik na ako noon. Kabado. Pinagtatawanan nila. Even Roxee's brother, nangingiti sa akin. Laking damulag ko kasi. Hehe. Wala na akong pakialam nun. Gusto ko lang that time eh mamatay na habang bumabyahe sa dagat o kaya makarating agad sa mga islands. Hassle. Experience talaga. Pero ayos lang. Hay!!! Hehe.


We went to Starfish Island first. P50.00 eng entrance fee for the island. Doon nagsimula ang walang katapusang photo shoot. Hehe. Kahit tirik ang araw, go lang si TL. Yun naman talaga ang hiniling ko. Hindi ko na pinansin ang init. Ang ganda nang island. Kaya simula na nang ipinunta ko doon. Pictures!!! Hehe.


After Starfish island, we went to Snake Island naman na nakaka asar kasi tanong ko kay Manong Bangekro kung saan yung Snake Island, ang sagot sa akin eh sa kabila lang daw nang Starfish Island. Aba, mga 30minutes na, wala pa ding isla. Hassle! Ganun pala ang ibig sabihin nang sa kabila lang sa Palawan. Hehe. But in fairness, Snake Island is so beautiful. Worth it!!! Walang entrance fee. Free.


Mga past 3:00pm na nang umalis kami sa Snake Island. Doon na kasi kami nag-swim. Meron pa dapat pupuntahang Pandan island kaso hapon na. Natatakot na ako sa alon kaya na-convince ko silang wag nang pumunta sa Pandan. Although they requested na dumaan lang. Pumayag na ako para quits. Natulog na lang ako sa mahabang biyahe sa dagat. Buti na lang at wala pa akong tulog. Nakatulog agad ako. Pagdating, nasa pier na. Woohoo!!!


Nagbihis lang at nagpalit pagdating sa room. Nagkita kita uli kami for a dinner sa Balinsasayaw Grill which is known there for their good ambience and good food. In fairness, ang sarap nang inasal nila. Ang lupet nang chicken. Even their halo-halo. Lupet! Yun nga lang, ang tagal nang service, kasi madaming tao. Mabenta ang grill house. Masarap at mura kasi ang food nila. Yumyum!


After dinner, we decided to walk around and see the city by night, toured by Roxee. Double purpose na rin. Para matunaw yung kinain namin. Hehe. Wala na kaming ibang plano that night kundi umuwi at magpahinga at wala pang mga tulog at maaga pa for the next day tour.


Dumaan lang kami sa Jollibbee to buy food for breakfast namin ni Kumander the next day. Maaga kasi ang pick-up sa amin for the Underground River Tour. That time, balagsak na balagsak na kami. Para na kaming naglalakad na zombie sa kalsada. Hehe. Here is TL's Day 1 in Palawan Photo Shoot. In tagalog translation, mga kaartehan ni TL sa palawan sa harap nang kamera. Hehe.

NAIA 3

STARFISH ISLAND

SNAKE ISLAND
The first day was a blast. Super! More fun and exciting adventure on my second and third day in Palawan!!!

4 comments:

Itchyworm said...

PALAWAN!! Wow you finally went there! I absolutely love that place, been there twice and I can't wait to go back again! Hey you even stayed in the same pension I stayed in! :D

Can't wait for the rest of your stories!

IW

Mac & Hubbee said...

Haha. Really. Kaya pala may nakita akong vandal dun, nakalagay "ItchyWorm was here". Hehe. Just kidding.

hazel pobrero said...

I'm so jealous right now...hmfp!!!naisep ko lang...if im not so pregnant, im pretty sure that i'll be kissing the sun as well...TL balik tayo palawan huh?!By that time, Palawan should be ready for our tandem!!! wehehehe....

Mac & Hubbee said...

haha. oh yes. this time, sa coron naman! mas maganda doon! humanda sila sa tandem natin. exciting!!!