Oo, nagkabagyo na nung sabado. Binaha na ang kamaynilaan. Pero si TL, nasa Cagayan De Oro. Anong ginagawa doon? Pumunta para sa isang napakahalagang misyon. Umalis nang Luzon para tuldukan ang unang kabanata at simulang ang kasunod. Itinago ko. Oo, inilihim ko. Wala akong sinabihan. Wala akong pinaalaman. Isang tao lang. Bakit? Desisyong ginawa ko para subukan ang bago.
Nakabalik na ako. Yung bagyo pa din ang mainit na topic. Sa balita, sa radyo, sa office, sa dyaryo, kahit saan. Akala ko makakasabay ako doon para walang maki-usyoso. Akala ko makakatakas. Ngunit hindi. No! Isang malaking NO!!!!
Kanina, dumating na ang inaasahan pero pilit iniiwasan na pagkakataon. Ang humarap sa panel nang Friendship Court. Itinakdang oras para harapin ang moment. Moment na kailangan mo nang umamin at magsabi nang totoo at tigilan na ang pag-iwas. Ang paglihim. Hay. Importante sa akin ang mga kaibigan. Sila ang unang tao na sinasabihan ko kapag tumitibok ang puso ni TL. Pero nga this time, I decided to do something different.
Sabi nga ni Hazel, dahil baka ayoko daw kasi ma-Jink (Jinx). Walang "S". Jink lang. Kasi singular daw. Ang turo daw sa kanya nang english teacher niya, pag plural, may "S", pag singular, wala. Tama nga naman. Hay! Mabaliw baliw kaming tatlo kanina sa KFC. Ewan ko ba, dapat bibili lang nang food at kailangan ko nang umuwi, biglang inabot kami nang 6:00am. Parang di kami magkakasama sa office. Hehe.
Anyways, watch the CONFESSION scene ni Hazel at Drey sa loob nang KFC-SLEX. Take note, kami lang ang tao. Imagine how noisy we were. Kaya mabaliw kayo sa eksena nila. Hehe.
Ikaw na magkaroon nang mga ganyang kaibigan. Mabilis kang magkaka-abs. Sa kakatawa. Hehe. But at least, na-overcome ko na yung confession stage. Alam ko namang nagtampo sila pero alam ko rin namang maiintindihan nila ako. Love kaya ako nang dalawang yan. Thanks Hazel and Drey!!!
Dalawa pa lang yan. A few friends to go... Hay! Good luck!!!
September 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ano na leyson! bka isipin nila crazy din mga friends mo, like you CRAZY TL!
this was really fun... and i miss this type of conversation...
di kaya!!! ako kaya nagmana sa inyo!!!
Post a Comment