August 8, 2009

Baggage Counter

7:30am. Umalis ako nang house. Nalinis at checked-up na si Khenzo. Dala ko ay isang jacket, laptop, wallet, cellphone, starbucks mug, isang shorts at isang damit. Suot ko'y shorts, t-shirt, at tsinelas. Ang paalam ko kay mamiko ay sa gym ako pupunta. Pero saan nga ba ako pupunta?

Sa Batangas.

Ilang araw na akong naka-kulong sa kuwarto. Ang labas ko lang ay ang pagpunta sa hospital. Hindi na ako nasisinagan nang araw. Hindi na ako nakakalanghap nang sariwang hangin. Hindi ko na rin alam ang nangyayari sa mundo, kahit sa office. Total hibernation ang leave ko.

I swear, nakakabobo.

Medyo malakas na ako. Hindi pa ganun kalakas pero kaya na nang katawan ko mag-drive. Pinilit ko na rin. Feeling ko kasi mamamatay na ako sa bagot. Wala akong agenda. Walang malaking dahilan para bisitahin si nanay sa Batangas. Gusto ko lang umalis. May mangyari sa araw na yun.

8:30am, nasa Tagaytay na ako.

Ang bilis nang biyahe. In fairness, natutuwa ako at nakukuha ko na siya nang isang oras. Singit dito, over-take doon. Para lang nakikipag-karera. Siyempre proud ako sa sarili ko. How I imagine how coward I am to drive before. 9:30am, nasa Lemery, Batangas na ako.


Ginulat ko lang si nanay. Hindi ako nag-text. Surprise kung baga. Ang nandoon lang ay si nanay, si King at ang malaki na niyang baby na si Keno. Sobrang coot. Mahangin sa Batangas. Maulan naman sa Tagaytay. I swear, kinabahan ako. Nakakahilo pa naman ang daan at paikot-ikot. Masaya akong nakarating akong buhay. Hehe.


10:30am, hinaihan na ako nang pagkain. Ganun si nanay, hindi pwedeng hindi ako kakain. Pinapagalitan niya ako sa pagpapa-payat ko. Gusto niya kakain lang ako. Si King ang nagluto. Specialty daw niya. Steak. In fairness, ang sarap. Andami kong nakain. Meron pa nga siyang nilutong isa pang ulam. Gulay!!!


Buti na lang, inuna ang steak. Kumain na agad ako. Baka pakainin ako nang gulay. Hehe. Nag-alaga lang ako nang bata. Ang sarap laruin si Keno. 9 months pa lang, pero parang dalawang taon na sa laki at bigat. Hehe. Mana sa tatay. Nagkuwentuhan lang kami nang todo-todo. Pinag-usapan namin ang buhay call center. Interesado si nanay sa ganung kwento. Pinagbigyan ko naman.


Brown-out.

Yan ang sabi sa akin pagdating ko. Dapat dun ako matutulog. Buti na lang di ko pa nasasabi. Hehe. Hindi ko kasi kaya nang matulog nang mainit. Although mahangin at presko sa kanila, kaya paborito kong pumunta dun, tahimik lang, pero di ko kaya nang walang electric fan. Hehe.

12:15pm, umalis na ako.


Bitbit ang isang sakong saging at isang plastic na rambutan pabaon ni nanay. Medyo aantok-antok na pero dahil nakakapang-pabuhay ang mag-drive, go pa din. Masarap bumyahe sa Batangas. Nature tripping. Ang sarap sa pakiramdam. Refreshing.

12:45pm, nasa Tagaytay na ako.

In fairness, pabilis nang pabilis ang byahe ko. Tumigil muna ako sa Starbucks. Kailangan ko nang kape. As usual, mahangin pa rin sa Batangas, at maulan sa Tagaytay. Pagkabili ko nang kape, umakyat ako sa taas para umupo saglit. Aba, maya-maya ay...

Bumuhos ang napaka-lakas na ulan. Bad trip.


Hindi ulan na pa-coot. Ulang walang arte. Buhos talaga. Napa-tambay ako nang bonggang-bongga sa Starbucks Tagaytay. Mag-isa. At ang kasama ko sa 2nd floor, tatlong pares na mga couples. Dalawang straight couples, at dalawang lesbians. Pakshet! Loner? Hehe.


That made me reflect with a lot of things. Okay, not about being single. But with so many things that's been going around my life. Health. Friendships. Work. Family. People that hurt me. People that made me strong. People that inspired me. People that pulled me down. Things that I've been doing. Things that I haven't accomplished. Things I wanna do. Things that I should have not done. Triumphs. Mistakes. So many things.


It was a nice time to reflect. Perfect weather. Perfect scenario. Perfect venue. Perfect coffee. Unexpected. Unplanned. Naging perfect lahat. And truth to the matter is, it was a humbling experience. That reflection taught me so many things. And I left the place with so many realizations. I also left some part of me that I should not carry anymore. In short, ginawa kong baggage counter ang Starbucks.

At di ko na babalikan ang mga baggages na yun. Pabigat lang.

I thought of things na nagpapa-bigat sa buhay ko. Madami. Past pains. Current stress. And so many things that are irrelevant to my life. It gave me a new focus. A new meaning to things. New perspectives. It strengthened my goals. It gave me new strength. And lastly, it prepared my heart and mind for whatever the result will be with my medical tests.

The journey was a humbling experience. I'm glad despite of the condition of my body and the weather, I still pushed for it. I thought it would be an irrelevant travel and a waste of gas and money, but it turned out to be a meaningful one. A well spent "me" time. And now, I feel so ready and will get back in the game soon.

With no more heavy baggages in me...

No comments: