August 27, 2009

Taghirap

August 28 pa lang. Dalawang araw pa bago magka-sweldo. Ang tropang trumpo, wala na ring pera. Walang gimik. Di makaalis. Wala kasing pera. Malungkot daw ang dalawang araw na off. Walang masyadong magaganap sa mga buhay buhay. Si TL, wala na rin. Nasa kung kani-kanino ang pera. Maraming nangailangan. Nag-ipon na nung isang gabi nang mga DVD na di pa napapanood at balak mag-marathon na lang.

Ting! Ting! Ting!

Nagka-idea si TL. Bakit hindi magsama sama ang Tropang Trumpo sa panahon nang taghirap. Hehe. Niyaya sila sa bahay. Tambay. Para magkuwentuhan. Tawanan. Videoke. DVD Marathon. Na-excite ang lahat. Natuwa sa idea. Mamayang gabi daw. Payag ang lahat. Iyan ang plano mamaya. Kaso, ang tanong, matutupad ba ito?

Malalaman natin mamaya.

Abangan...

No comments: