August 29, 2009

Si Mystery Guy


Si Mystery Guy...
Pag nabo-bored at walang magawa, maiisipang pumunta nang beach resort at magje-jetski.

Si Mystery Guy...
Pag nawalan bigla nang tubig sa kanila, magche-check in sa hotel and there he will stay for a few days.

Si Mystery Guy...
Pag nalulungkot at may malalim na iniisip, bigla na lang aalis nang bahay in the middle of the night and will go somewhere where he can be alone without his phone with him.

Si Mystery Guy...
Mahilig magluto at kumain. Wala nang ibang ginawa kundi kumain somewhere, bumili nang kung anong food, o magluto nang something, pero hindi lumulobo.

Si Mystery Guy...
Malambing. Maalaga. Maalalahanin. Mapagbigay. Seloso. Marunong makaintindi. Mapagpasensya. At higit sa lahat, may trabaho.

Si Mystery Guy...
Mahilig manood nang movie mag-isa. Tumambay sa coffee shop mag-isa to spend some time.

Si Mystery Guy...
Balidoso. Matagal mag-ayos nang buhok, pupunta nang salon para magpalinis nang kuko. Maporma.

Si Mystery Guy...
Unti unting kinukuha ang loob ko. In fairness, magaling siya. Malapit na nga akong mahulog sa kanya.

Pero wag muna...

No comments: