August 8, 2009

Lupang Hinirang

The world has so many good and great singers. Hindi tayo nawawalan nang bagong kanta. Parang di nauubos ang mga tono, and mga nota, ang mga tunog at kung ano ano pa. May mga yumayaman dahil sa pagkanta lang. Pero ilan lang sila sa milyon na tao. Silang mga nabiyayaan nang talento, yung iba ay swerte.

Paghalu-haluin mo ang mga sinabi ko, bumagsak tayo kayo Manny Pacquiao. Ang taong nabiyayaan nang talento sa boksing at naulanan nang sandamumak na swerte.
Hehe.

Anyways, wala naman akong entry about sa mga sinasabi ko. Haha. Gusto ko lang i-share itong video na napanood ko about those singers who sang the national anthem sa mga laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas. I swear, nakakabaliw. Although late ko nang nalaman ito. I'm sure, most of you knows this already. Di kasi ako fan nang pambansang kamao.



Para sa akin, pinaka-panalo yung kay Christian Bautista. Haha. Kalimutan ba ang lyrics!!! Hay! But I can't blame him totally (mr.understanding again). Ikaw ba naman, hindi ka ba kabahan. Buong bansa, buong arena, at iba't-ibang bansa pa, nanonood sa'yo. Siguro kung ako yun, ito ang lyrics ko: "Bayang magiliw... Ang mamatay nang dahil sa'yo...". Sabay bow at takbo at di na magpapakita pa sa mundo. Hehe.

No comments: