August 8, 2009

The Day


Saturday of this week was my last day of hibernation (one week leave) and the day I got the result of my medical analysis. It's what I call The Day. Hehe.

Okay, for the medical results, that I will not disclose :p

Tinodo ko na ang huling araw nang leave. I was up for 18 hours. Oh, walang magre-react at magsasabing dapat eh nagpapahinga ako. My gollie, isang buong linggo ko yun ginawa. Pagbigyan ako. Eto ang aking ginawa buong araw:

Internet for 8 hours. Parang isang shift lang di ba. Hehe. Nag-check nang emails pagkagising. Nagbasa nang mga blogs nang ibang tao. Nag-upload nang pictures sa facebook. Nag-download nang mga music. Nag-ayos nang mga files. At sinasabay ko na ang pakonti-konting kain.

Nilinis si Khenzo. That was my exercise for the day. Inaabot din ako nang isang oras sa paglilinis kay Khenzo. Manual lahat. Pag-vacuum, pag-scrub, pagpunas, at kung ano ano pa. Ayokong may naglilinis sa kanya kundi ako lang. Hindi din uso ang pagpapa-car wash. Marunong ako. Gusto ko may personal touch. Hehe.

Naglinis nang bahay at kuwarto for 30mins. Dahil nga taong kuwarto lang ako buong linggo, ang gulo gulo na nang bahay. Kaya naglinis ako kanina, nagpalit nang bed sheet, punda nang unan, nagwalis, nagpunas, nag-ayos nang cabinet. Isinama ko na rin ang bago naming sala sa pag-aayos ko. Paborito kong ayusin yun. Hehe.

Nagvideoke nang isang oras. Yes. Nag-videoke ako mag-isa. Hehe. Busy ang kapatid ko sa paglilipat nang gamit niya sa bago niyang kuwarto, habang naglilinis din ang pinsan ko at si mamiko sa kusina, inaawitan ko sila (awit talaga). Then nag-lunch nang magutom.

- Umalis ako pagka-kain para kuhanin ang resulta nang medical analysis ko -

Nanood nang TV for 4 hours. Dahil hindi ko hobby ang manood nang tv, in-enjoy ko siya kahapon. At dahil hindi ako sumubaybay sa pagkamatay ni Cory, kahapon lang ako nanood. Para akong nag-marathon sa ANC. I swear, bumuhos ang luha ko. Isinabay ko sa pinapanood ko. Perfect! Hindi pa naman ako iyakin nang todo. Luhain, oo, pero hagulgol, naku, bihira. Kahapon, lumabas na lahat. Hehe.

Again, hindi ang resulta nang medical analysis ko ang iniyakan ko, just for the record. Papasok na ako mamaya kahit bukas pa ang advise. Hindi ko na kaya. Hinahanap na nang katawan ko ang trabaho. Namimiss ko na ang team ko. At di ko na kayang maburo pa dito sa bahay. In-enjoy ko na ang last day of leave ko. Tama na.

2 comments:

Pinoy Gay Guy Confidential said...

Hi James.

Just dropping by to say hi. Thanks for your comment on my blog.

Hope the results have turned up good.

I look forward to your posts. I wish I was as prolific. I like your devotion to your mamiko. :D

Have a great day.

Mac & Hubbee said...

thanks for the appreciation... he results? ahmmm... hehe.