August 26, 2009

Guilty As Charged

Yeah, I know. I have not been blogging lately. Actually, hindi pa rin dapat ako magu-update until I saw "Flame's" blog and read his entry. Sobrang naka-relate ako sa entry niya. Magko-comment sana nga ako kaso naisip ko, gumawa na lang ako nang entry. Pambawi sa matagal kong pagkawala. Let me tell you what have I been doing lately...


1. Facebook. Yes, addict na talaga ako sa FB. I am actually in the process of transferring my super duper tons of pictures from my laptop to FB. Sobrang puno na ang C drive ko at mukhang nagrereklamo na si pareng HP (my laptop). Kaysa baka bigla na lang mawala lahat nang files ko, better be transferring my files. Kaya upload sa FB to the max. Galit na nga ata sila sa akin. Nagkukuripot akong bumili nang USB kaya sa FB na lang. Hehe.

2. Bejeweled and Text Twist. Old school kung old school pero hindi talaga ako ma-attract nang mga popular games sa FB like Farmville, Pet Society, Mafia Wars, etc. Sabagay, di naman talaga ako mahilig sa games. Kung may pipiliin nga akong computer game, Super Mario pa rin pipiliin ko. Kasi, hindi ko matapos tapos. Hehe. But Bejeweled and Text Twist are really taking so much of my spare time. Hehe.

3. DVD Movies. Ang hina nang gana ko ngayon sa internet. Napapadalas ang nood ko nang mga DVD movies. I just watched Hangover yesterday and I say, ang kulet. Ganda! I also watched Music and Lyrics, Say it isn't so, Delgo, A Walk in the clouds, Ong Bak 2, Battle of the Warriors, at marami pang iba. Kung ano ano na lang. Variety kung variety. Not to brag, but I really enjoy watching movies in my flatscreen baby. Hehe.

Lastly...

4. Si Mystery Guy. Lecheng lalake ito. Di ko alam kung anong tama ang ibinigay sa akin. Nakuha na niya talaga ang atensyon ko. Nagsimula lang sa dapat simulan, pero di ko na alam kung nasaan na kami. Nung una, napapa-shet lang ako. Ngayon, napapa-pakshet na ako. Hay! In fairness, may epekto itong taong ito sa akin ngayon. Taas kamay na ako. Pero yun na lang muna. Hehe.

Thinking that I'm not in to something big kaya di ako masyado nakakapag-blog, nakukuha lang talaga ang atensyon ko lately nang 4 na nakalista sa taas. Pasensya na. Pasensya! Sabi nila, may ganitong phase talaga ang mga bloggers. Hehe. Kaya pasensya uli. Pipilitin kong ibalik ang aking sigla sa pagsusulat.

Marami nang nangyayari. Hindi na updated ang blog ko...

1 comment:

Jiltedsummer said...

hayyzzz... may bago na pla....