August 29, 2009

Gab & Uno's 1st Tagaytay Trip

Last week, pinasyal namin ang dalawang babies, marking their first Tagaytay trip of their lives. At ang may pakuno ay ang kanilang dakilang lakwatserong future ninong. Ako yun!!! Hehe. It was a great weekend getaway with Gab and Uno, of course, kasama sina Chris and Ka-ye, and also Hazel. Si Eric, doon na lang kami mineet sa Tagaytay since he's from there.


Si TL bilang driver, sinundo silang lahat sa kani-kanilang bahay. Mga 7am, nasa Tagaytay na kami. Nagbreakfast muna kami sa Mushroom Burger House, at first time ko doon sa popular place na yun. In fairness, ang sarap nung burger nga nila. Doon na rin namin pinaarawan ang dalawang babies.


After, we went to Picnic Grove and spent some time, at pinalanghap nang masarap at malamig na hangin nang tagaytay ang dalawang bata. Lunch time naman, pumunta na kami sa house nila Eric at doon kami kumain. Salamat sa napaka-hospitable na nanay ni Eric at napakagaling din na cook. Ang sarap nang nilutong ulam. May baon pa kaming napakatamis na saging at Buko. Thanks Eric!!! Hehe.


All in all, we had a great time. Hapon na kami naka-uwi. As always, I love spending time with Gab and Uno. Napa-coot nila. Nakaka-aliw. Kakagigil din. Nakaka-gaan nang buhay. And guess where we plan to go next after Tagaytay with Gab and Uno?

BAGUIO!!!!

1 comment:

Anonymous said...

mukhang nag-enjoy hindi lang sina gab at uno kundi pati ang future ninong.hehe

baguio ang next trip?layo nun ha..goodluck ninong. :p