Wala akong maisulat...
Wala akong ganang magsulat...
Wala akong lakas para magkagana magsulat...
Wala akong makuhanan nang lakas para magkagana magsulat...
Wala... Wala... Wala...
Blanko ang utak... Lutang ang isip...
Madaming iniisip... Madaming sumasagi sa utak...
Gusto kong gumaling agad...
Gusto kong magkaroon nang madaming pera...
Gusto kong pumunta sa isang malayong lugar...
Gusto kong may mangyaring iba naman sa buhay ko...
Pero sinusubok ako nang tadhana...
Sinusubukan nang matindi ang aking pananalig...
Hanggang kelan ako kakapit... Hanggang kelan ako lalaban...
Nakakapagod...
Nakaka-ubos nang lakas...
Pero kailangang lumaban...
Kailangang ibahin ko ang landas nang aking kinabukasan...
Hihintayin ko na maging lakas ang kahinaan...
Hihintayin ko na maging kasiyahan ang kalungkutan...
At hihintayin ko na maging meron ang wala...
August 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hi James.
Hope you find your muse again soon.
It is in the lowest moments of our lives do we find who are real friends are. It is in the lowest times of our lives do we find who really loves us.
The lowest times of our lives is what makes us appreciate the higher times which we may have taken for granted.
It is our choice on how to deal with problems. We may allow others to see we are in pain. Or we can choose to show otherwise. Whatever is happening in your life, which I will not claim to know or to be in the same situation, just look forward to its resolution and to the learnings you will get once you overcome it.
Missing your posts... :D
kaya yan.breathe.rest.pray. :p
Post a Comment