April 15, 2009
3rd Meeting with Mr. Smart
Waaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!
Todo na 'to! Seryoso. Ayoko na. Masyado ko na siyang nagugustuhan. May patutunguhan ba ito Destiny? Ano bang gusto mong palabasin? Kung pinasasaya mo lang ako, puwes, hindi siya nakakatuwa. After this, ano na? Itigil na!!!!
Okay, hunos-dili mode...
I woke up yesterday nang 11:00am. Lately, naibalik ko na yung gym routine ko kasi at naggigising na ako nang maaga uli. Kaso, 5 hours of sleep naman ang kapalit. Di bale, at least, ma-kondisyon ko lang uli yung body clock ko, aayos din yan. Kaya maaga ako nakatulog, mga 6:00am habang nanonood nang Pans Labyrinth (Thanks Raine). Kaya ayun, maaga akong naggising.
Hindi na ako mapakali. Si Jze kasi bigla akong ginulantang sa isang yaya sa facebook. Nawindang tuloy ang mundo ko. Bigla akong nag-crave mag-shopping. Kaya ayun, 12:30pm pa lang, nag-aayos na ako. I decided kasi bigla na pumunta na nang Smart Center sa SM Muntinlupa para i-pass na yung sa retention ko, at para doon na rin mamili.
I swear, hindi planado pero bigla akong na-excite sa naging itinerary. Kasi baka makita ko si Mr. Smart. But for some reason, I keep on saying na sana wala siya doon, o sana pagdating ko naka-break, or sana baka sa Festival Mall na siya na-assign kasi doon ko siya nakita nagtatrabaho the last time. Madaming "sana" ang utak ko, pero ang puso ko, wishing that I could see him again. I swear, ganyan ako ka-OA kahapon.
Kasi naman, pag-nagkita kami, magiging pangatlong beses na pagkakataon na yun. Ano na!
So eto na, punta na si TL sa SM. Habang paakyat sa 2nd floor, nakita ko na agad siya sa loob nang Smart Center. He was wearing a smart-casual attire. He's so cute. Bagay sa kanya maging partner ko. Este, yung suot pala niya. Hehe. Napa-shit na lang ako nang malutong. This is it again moment na kasi. 3rd meeting. Ang hino-hope ko na lang, na sana may ibang sales person na pwedeng mag-assist sa akin. OA na kasi na in my 3rd time, siya pa din.
So pasok na sa center. Hindi ako tumitingin sa kanya, pero nakita na niya ako. Maliit lang ang center nila doon para hindi magkakitaan. At siyempre, the usual TL, si cellphone ang pinagtuunan nang pansin. Umupo lang ako, yun kasi sabi ni Manong guard. In-attempt ko pa nga siya kuhanan nang picture kaso mahirap. Masyadong maliit yung center para maka-sneak ako. Wala pang masyadong tao. Baka mahuli ako. Nakakahiya.
Maya-maya, nilapitan na uli ako ni manong guard at sabi free na daw si Sir. Shit talaga. Eh Mam and Sir lang ang sales rep. So sir, eh di siya na yun. Lintek talaga!!!
Umupo na ako. Nagpapaka-chillax lang (kunwari). We smiled at each other as the opening of the moment. Kasi naman, masyado na naming tanda ang isa't isa (lalo na ako, hehe). Sinabi ko na agad ang concern ko na parang nagmamadali. I was there mga 1:30pm pero for a simple concern (take note), natapos ang transaction namin nang 2:30pm. Isang oras!!! Can you imagine that. And another take note, I didn't get my new phone pa ha.
When I told him of the unit that I will get, he said, out of stock siya. Kuminang ang mata ko kasi it means, aalis na ako and will check na lang sa ibang center. Although he mentioned that. But what he did was, he contacted 3 centers just to check if they have a stock of the unit I want para alam ko daw kung saan ako pupunta (sweet!). I think he used some messaging tool kasi para siya nag-cha-chat. I was just waiting. May moment of silence nga while he was doing that.
Nakakabingi yung silence. Nakakainis. Hindi ko kinakaya. Hindi na siya ma-rapport. Biglang mahiyain na. Parehas kaming nanunuyo ang mga labi. Nahuhuli ko siyang dinidilaan niya yung lips niya, ganun din ako (alam niya kayang lips niya yung gusto ko?). Hanggang sa di ko na kinaya, I asked something na lang about the unit I want. Pang-ice break lang.
Then we talked about it. Shet, natutunaw ako pag tinitingnan niya ako, na actually, mabibilang mo lang. Hindi niya ako masyado tinitingnan. Where's Mr. Customer friendly guy? Vanished?
Hanggang sa nawili ako, pag tumatahimik kami, bigla na lang ako uli magtatanaong nang kahit anong unit na maisip ko para wala lang moment of silence. Nakakabingi to the max kasi talaga. Nung na-contact na niya lahat nang nearest center and he was advised na wala nang stock (I'm not sure though if that's true-assuming?!), he told me na siya na lang daw o-order, and it will just take 2-3 weeks. Napa-wow na lang ako. Hehe.
2-3 weeks is fine with me. I'm not actually in a hurry to have a new phone. Kaya lang naman kasi ako nagka-interest is because of him. Tapos, he asked me if I'm the one who's using the number written on the paper. Napasigaw nang shit yung utak ko. Akala ko tinatanong niya para i-text niya ako. Haha. When I said yes, he told me that he'll just gonna call me to advise me kapag available na yung unit.
He's gonna call me? Waaahhhhh!!!! I love the idea. Haha! Parang ayoko nang ihiwalay ang telepono ko sa akin para anytime na tumawag siya, masasagot ko agad. Haha. Parang gusto kong bumili nang madaming extra battery para just in case ma-low batt, may pampalit agad. Parang ayoko nang matulog sa umaga kasi I'm sure hindi naman sa gabi tatawag yun. Todo na 'to. OA na ang pagkagusto ko sa kanya. Define obvious? Haha.
During that one hour, I kept thinking of a way how to know his name. Kaso boplaks talaga ako sa ganyan. Walang ka-idea-idea. Kaya wala. Anyways, I confirmed na pala that he is PLU. I heard kasi the way he talked to his co-worker. Hindi ganun ka-straight. First time ko din kasi siyang nakita na may kasuap na iba. Yung 2 instances, kami lang talaga. And kahit wala akong gaydar, I am very sure of what I've seen confirms that he is PLU.
And when I left, habang pababa sa escalator, iniisip kong lumingon para tumingin pero kinakabahan ako. Never ko kasing ginagawa yun. I was afraid that he might be looking at me at makita niya ako. Although alam kong hindi naman siguro ako titingnan nun pero di pa rin kaya nang utak ko. Pero pero pero, I did it kanina. Nilakasan ko na lang loob ko. Siguro, dahil malakas ang pakiramdam kong he will not look at me that's why i did it. But...
I saw him looking at me...
Hay! Till my next encounter with him. Shet! Sana magkaroon pa ako nang madaming Smart concern. Hehe. Gusto ko siyang makita lagi. I'm crazily falling in love with this guy. Yeah, I know, such a crazy thing. Sorry naman. First time kong naramdaman ito. Tsaka single naman ako, gusto ko lang maramdamang kiligin uli. Wala naman akong ginagawa para umabot sa next level ito kaya ine-enjoy ko na lang kung hanggang saan lang ito.
Ayokong mag-wish nang kung ano ano. Malay mo, may partner na pala siya. Baka magpatiwarik na lang ako sa puno nang kamatis pag nagkaganun. Hehe. Malay mo, di naman pala niya ako gusto. Pero, sana, sa susunod na pagkikita, malaman ko na ang pangalan niya. Or Destiny, pwede ding more than that. Hehe. Hay! Ano ba kasing plano mo Destiny? Bakit ang weird naman nang mga pagkakataon. Can you just turn it in to a romantic situation? Hehe.
Just suggesting...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Wow.. Exciting.. i was reading it para tuloy akong nakilig.. yikes!!!
-can't wait till the next encounter :)
Goodluck!
Hooo... kung ikaw mahina gaydar, feeling ko malakas yung sa kanya. Sinasadya na yan lahat.. swear! Ahehe..
Dhon-hi! welcome to my site! i myself cant wait for the next encounter. masama na ang tama ko sa kanya. hehe.
Kumander-hoist! bakit ka nagkabulutong? may palawan adventure pa tayo. wag kang magkakamot ha. anyways, i dont wanna assume na sinasadya niya yun. benefit of the doubt pa rin. kaw talaga!
Post a Comment