April 6, 2009
Just another Krung Krung moment
Yesterday, paggising ko, I saw mamiko crying habang nagi-iron nang clothes. Akala ko naiyak siya kasi namamalantsa siya. Yun pala, nagtalo na naman sila nang kapatid ko. Hay! Kaya napa-upo ako bigla para maging "venting machine" na naman. May usual job. Hehe. Naawa talaga ako. Kaya kinausap ko na lang nang kinausap habang nakain at may pasok pa.
Kaso biglang nagpasama magsimba si mamiko kahit alam niyang may pasok ako. Naawa ako kaya sinamahan ko na lang. Dali-dali na ako nag-ayos. Pinilit kong alalahanin lahat nang dapat dalhin. Pagkatapos maligo, magbihis at mag-ayos, pumunta na agad ako sa sasakyan para simulan nang paaandarin. Nakarating kami sa church past 6:00pm na. Siguro mga 6:03pm. Oh, past pa rin yun ha.
After nang mass, saka na kami naghiwalay ni mamiko at pumasok na ako sa office. Medyo okay na si mamiko kaya ayos na. Nakatulong ang pagsimba. Kaso eto na. Pagdating ko sa office, saktong sinusuot ko na yung medyas after magpark, bigla kong na-realize na hindi ko pala naisakay ang shoes ko. Lintek na malagkit!!!
Take note, ang medyas hindi nakalimutan, pero ang sapatos, naiwan!!! Hehe.
Kaya buong magdamag akong naka-driving havaianas. Eh bawal pa naman sa office. Buti na lang sunday. Hassle naman kasi kung babalik pa ako nang house just for the shoes. Sa dami dami nang makakalimutan oh. Hay! Para lang tuloy akong nasa bahay nung sunday sa office. Kaya nung lumapit ang big boss, sabay taas nang paa sa ilalim nang desk para hindi mahuli. Hehe.
Just another krung krung moment of TL...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment