April 12, 2009
Mr. Smart
Remember the guy that I mentioned in my Corrupted Sim entry? The one who assisted me sa Smart Center sa SM Muntinlupa. Si coot Mr. Smart. Hay! Oh well, eto yun. After leaving that center, I know to myself na crush ko na siya at that point. As in. Ang coot kasi nang lips. Bihira ako magka-crush nang ganun agad. Kaso sinabi ko sa sarili ko na hanggang dun na lang yun. There's no way for us to see each other again. In short, hope was lost and back to reality.
Pero, nasabi ko din na kapag inadya nang pagkakataon na magkita uli kami this week by chance, na hindi planado, hindi sadya, ay, ikasasaya ko talaga. Destiny na yun. Kasi naman di naman ako nagpupupunta sa SM Muntinlupa. Pag sobrang kailangan lang. And thinking about my week ahead, there's no reason for me talaga to go there. Kaya sobrang imposible na. Pero yun lang ang sinabi ko kay Destiny. That's it.
Eto na. Pagbalik ko nang Smart Wireless center kagabi sa Festival Mall, while walking towards their location, si Mr. Smart nakita ko papasalubong sa akin. Hay! Para akong nakakita nang anghel na papalapit sa akin. Nanlaki ang mata ko, tumodo ang kabog nang dibdib, at di alam kung ano ang gagawin. Hindi ko kayang magkaroon nang "kita" moment. Kaya ang ginawa ko, nilabas ko yung phone ko at kunwari nagtetext ako. So nagkasalubong kami nang parang wala lang.
But wait, I remember, alam nga pala niyang sira ang sim ko kaya there's no way for me to text anyone, nor use my phone. Pakset!!!! Ang tanga tanga ko. Waaaah!!! Stupid to the highest level si TL!!!
Pagdating ko sa Smart Center, after a few minutes, my number was called na. Then, I was assisted na nang Customer Care person. But after a few minutes uli, si Mr. Smart, pumasok nang center. Tumigil na naman mundo ko. Leche! Anong nangyayari?!!! Bakit siya nandoon? Waaah. Awkward moment na for me. Iniisip ko na ang maraming bagay.
Iniisip ko yung upo ko, yung suot ko, yung buhok at buntot ko, biglang nag-modulate yung boses ko habang kausap si Customer Care rep at baka marinig niya, at least, magandahan siya sa boses ko. Haha. That was a crazy one. Halatang crush na crush ko siya di ba. Ilang to the highest moment. Almost an hour akong ganun at ganun katagal naayos yung sim ko. At siya, andun sa Sales counter, nag-aassist nang ilang customers. Magkatapat lang kami. Hassle!
I swear, hindi talaga ako lumingon nun. Feeling ko nga, nagka-stiff neck na ako. Haha. When we were about to finish, I just asked the process for the early retention program nila. Out of curiosity lang. Then, I was told that I just need to get a form from the Sales Department and fill it out. What??? Ano ito??? Tadhana??? Although dalawa naman yung tao sa Sales, naiisip kong what if siya yung mapuntahan nang number ko, ilang moment for me na naman.
So I took another number and waited for my turn. That time, I used my phone na and texted anyone na maisip ko para kunwari busy ako. And when my number was called, eto na, siya yung mag-aassist sa akin. Waaah!!! Hindi ko na talaga kinaya. Pero hindi muna ako pumunta. Nagkunwari akong busy with something on my phone. Mga ilang segundo lang naman. Hehe. Actually, nag-iisip ako nang punchline. Pero blanko utak ko. Kabado na.
Paglapit ko, sabay tungo at tingin at sabi, "Hey! You're the guy from SM Muntinlupa!". Lintek! Ang corny. Haha. But he smiled so warmly. It felt good. And that statement opened some discussions. Business conversation. Ako, super duper to the max awkward na. All I wanted is to get the form and leave. But I can't take off my eyes on him. He is such a nice guy to look at. And the lips, ahhh, lintek!!!
When he was about to give me the form, lahat nang invincible bulb ko naglabasan. It's the cue na for me. When I was about to grab it, hindi niya agad binigay, pinag-usapan pa namin anong gagawin ko sa form, the process, and etc. Damn it! Killing me softly ito. Si Mr. Smart, marunong!!! Nung nakuha ko na, I left the center immediately. And there, saka lang nag-normal ang breathing ko. Hay!
Parang high school di ba. Haha. But I swear, ngayon lang ako nagka-crush nang ganito ha. Kaso mukhang di pa matatapos doon. He asked me to go to SM Muntinlupa na lang daw to get the retention program para mas malapit na lang daw sa akin. Huwaw! May 3rd meeting?!!! Why not! Lintek na lintek na lintek talaga. Paano na ito?!!!
I like him to death. But I don't know anything about him. His name, his number, and I don't even know if he is PLU. I have no gaydar. This darn TL na umuurong lahat nang pwedeng umurong na parte nang katawan sa mga ganung moment. Lintek. Should I ask his name sa next meeting? Tinuruan pa ako nila Bess kanina on what approach should I do. This is so funnee. But is it the name that I should start knowing? Di ba dapat, malaman ko muna if he's PLU?
Hay! Bahala na. Sana wala siya sa araw na pumunta ako. Naku naman, pag nagpang-abot na naman kami, ano nang gusto mong palabasin Destiny??? Bahala na...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Hahahaha! TL, we often do stupid things when the heart is involved. I was laughing when I was reading the part where you where pretending to txt and he knew your SIM was not working. Hahahahahaha!
Good luck on your latest endeavor and hope you get to relax the next time.
Hehe. So stupid talaga. Thanks Ron. Sige, I'll try to relax the next time. Sana!!!
Post a Comment