April 11, 2009

A link to Mr. Masculado

Last night, I met with someone near our village na medyo katext ko na dati, pero kagabi lang kami nakapag-meet. Kung sino pa yung pinaka-malapit, yun pa yung matagal na na-meet. Guess what time kami nag-meet? 2:00am. Hehe. Bored to death ako, kadarating lang niya from work, tinopak kami, we decided to meet. Ayun, sa kanto lang kami nang village. Nagmistulang kanto boys lang kami. Haha.


Pero another guess what. He knows my ex. Si Mr. Masculados. The guy I had relationship way back 2004. Why Mr. Masculados? Kasi kahawig niya si Robin Robel nang singing group na Masculados before. Hehe. Yun nga pang-asar ko sa kanya dati. Same long hair, same built. Although the picture above of Robin has short hair already. Nakuha ko lang sa facebook niya. Hehe.

What a small world di ba. Nakasama pa nang guy na mineet ko kagabi sa apartment before yung ex ko at nabanggit daw ako sa kanya. Kaya kagabi, sabi niya sa akin I look familiar daw. Then, dun na nagsimula ang istorya nang pagkaka-link ni Mr. Masculados. At doon na rin umikot ang usapan namin. Saya di ba. Nabaon ko na lahat nang ala-ala, naungkat uli. Kaya naghiwalay na din kami nang maaga. Hindi masaya ang topic. Hehe.

No comments: