April 1, 2009

KKK: Kinilig Kay Kris!!!

Hep! Hep! Hindi kay Kris Aquino yan ha. Ano na!

While having lunch kanina with Bess and Raech sa pantry sa work, sakto naman na American Idol Performance Night ang palabas sa TV kaya tumapat talaga kami doon habang nakain. Malas ni Bess at katatapos lang ni Adam, na crush niya. At swerte ko naman, at pati ni Raech na nakiki-agaw sa akin (hehe), na si Kris Allen yung sunod na nag-perform.


Hay! I swear! Hindi ako mahilig magka-crush nang nakikita ko sa TV pero crush ko talaga itong si Kris Allen. Ewan ko ba. Kinikilig talaga ako kanina. At guess what, dinedma ko ang food at tumulala lang talaga ako sa TV. Feeling ko kasi ako ang kanyang inaawitan (ano na! inaawitan talaga! feeling!). Sana siya ang manalo. Pag nangyari yun, sige, sasagutin ko na siya (ano na!). Wahaha!


Kung pwede lang akong bumoto, hay, uubusin ko talaga ang load ko sa kanya. Hehe. At kung super duper rich kid lang ako, naku, every american idol season, magbabakasyon ako sa Hollywood para manood lang nang show every week. Sosyal di ba. Namiss ko tuloy ang Hollywood pati ang mga stars na nahulog sa kalsada. Hehe.


I'm wishing Kris Allen all the best in American Idol. Although marami siyang malulupit na katunggali, sana sumikat siya. At sabi nga ni Bess, pag nag-concert siya dito sa Pilipinas, naku, ta-tiyagain namin uli tumayo nang matagal (like sa Boyce Avenue) mapanood lang siya nang live. Hehe. Ganyan kami kaadik ni Bess!

Go Kris Allen!!!

No comments: