April 20, 2009

I Found Him Dead Today

Pagdating sa house from work, I'm about to park my car, when I opened the gate, I saw B-Boy. Tinawag ko pa siya. Hindi niya ako narinig. Ilang beses ko pang inulit, wala akong nakukuhang response. Dun na ako kinabahan. Nilapitan ko na. Pagtingin ko, nagulat na lang ako. Wala na siyang hininga. Nagpanic ako. Tumakbo agad ako. Kumatok sa bintana ni mamiko. Walang nasagot. Hindi ko na alam gagawin ko.

Pinatay ko yung sasakyan. Hinanap ko si mamiko sa loob nang bahay. Natataranta na ako. Nasa loob pala siya nang banyo kaya pala di ako marinig. Paglabas niya, naubos na yung lakas ko. Napaupo na lang ako. Nung sinabi kong patay na si B-Boy, malungkot na mukha na lang ang sumunod na nakita ko sa mukha niya. Alam na pala niya patay na si B-Boy.

Patay na ang nag-iisang askal namin. Si Brownie Boy. Or I usually call him B-Boy. Hay! Nalungkot talaga ako. Although di talaga kami close nun kasi ang baho baho, and actually matagal na namin gusto ipadispatya yun sa bahay namin kasi wala naman talagang pakinabang pero ang hirap niyang hulihin. Lumalaban. Kaya nawalan kami nang choice but to keep him.

Anyways, kahit ganun pa man, nalungkot pa din ako. Siya kasi una kong nakikita pag umaalis ako nang bahay at pag dumadating ako. Siya ang unang sumasalubong sa akin kaysa kay Thokie. Kasi, si Thokie, nakakulong. Si B-Boy, nakawala lang. Kaya ayun. Si Khenzo, pinark ko muna sa labas. Hindi ko kayang tanggalin si B-Boy. Hindi talaga.

Hihintayin ko na lang maggising pinsan ko para siya ang mag-alis. Para sa kaluluwa ni B-Boy, nawa'y mapunta ka sa langit nang mga aso. Kahit di tayo close, wish ko pa rin yun for you. Mwah! (may mwah talaga?!)

Note: Kukunan ko sana nang picture para sa blog ko. Kaso baka masuka kayo sa itsura kaya di na lang. Hehe.

No comments: