"Punta tayong Tagaytay, bibili ako nang karne.."
Wow! Parang driver lang ha. Utos ito. At ako daw ang magpapa-gas. Sosyal talaga ang nanay ko. Wala akong choice? Anyways, since it's always a pleasure na ipagdrive si mamiko, pumayag ako. Masaya akong naipapasyal ko siya.
Pagdating namin nang Tagaytay market around 12:00pm, ito agad ang sumalubong kay TL:
Scary! Parang sinasabi sa akin, "Welcome to Tagaytay TL. I'm a follower of your blog. And as a punishment, look what they did to me". Waaaah!!! At si mamiko, dedma. Sige hanap na agad nang magandang karneng baka. Mega tour ito sa meat section. Dedma sa amoy. Sa dugo. At sa kung ano-anong laman-loob nang mga hayop.
At nang makahanap na nang magandang karne, mega pisil pisil to the meat kahit may dugo o may amoy pa. Gusto maka-sigurado. At nang tinanong na niya ang presyo at sinagot nang tindero, ito ang reaksyon ni mamiko:
Ang coot coot di ba. Para siyang nagtransform in to a mad cow. Hehe. Naka flower power pa naman siya na suot. At tingnan mo yung kamay nila sa picture, parang magkaholding hands na magjowa na nag-aaway lang. Hehe. Kaaliw talaga ito si mamiko kasama. Mawiwindang ka. Ang bukod tanging pinagmanahan ko sa kabaliwan. After naman nang baka, baboy naman.
Dami pera!!! Hehe. At siyempre, after the meat, pumunta naman kami sa fruits department. Yes! Department ito. Hehe. Sa prutasan sa tagalog. At doon ako nag-enjoy. Ang kulay. Ang daming prutas. At hindi mabaho. Hehe.
Lahat nang may nagpapatikim sa kanya na prutas, tinitikman niya. Para daw libre. Hassle! Hehe. At siyempre, ang last department (consistent?), ang vegetables area.
After mamili, we went to Carlos Pizza for our lunch. Gutom na si TL. At habang naghihintay nang food, nagulat ako sa sinabi sa akin ni mamiko:
"Picture-an mo nga ako. Yung kita yung volcano..."
Napa-wow talaga ako. Yung utak ko tumambling. Camwhore na rin siya?! Hala. Masyado na kami madalas magkasama. Nahahawa na. Hindi na maganda ito. Oh well, siyempre, pinicture-an ko naman. Model-modelan kuno ang nanay ko.
Ang lamig sa Tagaytay. Ang sarap. Pagkatapos namin kumain, umuwi na kami. Ayoko kasing ma-stuck sa traffic sa SLEX. Ang sarap magdrive nang pauwi from Tagaytay. Pababa kasi. Kaya para ka lang umaandar nang kusa without stepping too much sa gas. At least tipid. Pagdating nang Sta. Rosa, biglang humirit si mamiko:
"Gusto ko nang macaroons nang Goldilocks. Bili tayo!!"
Ano ito? Buntis? Naglilihi? Kung ano lang maisipan. Inenjoy ang pagiging donya na mayroong driver. So siyempre, park naman si TL sa Paseo De Sta.Rosa. Bili agad nang gusto niya. Samantalang nakakita ako nang Blue Ray disc na mga DVD for the first time. Naaliw ako. Nagshopping si TL nang mga DVDs. Hehe. At si mamiko, pinaghintay ko nang matagal. Aba! It's my turn. Hehe.
Pagdating nang San Pedro, excited na akong ipahinga yung paa ko sa bahay. Akala ko, this is it na. The end of today's journey. But wait, no, there's more. Nagyaya pa pumunta nang PureGold. May titingnan daw. Aba naman! Sobrang nawili na ang nanay ko ha. Fine! Anak eh. Nanay siya. Sunod naman ako.
In short, to end this post, ako ang napabili nang mga additional gifts sa puregold. Hassle! Napagastos na naman. Pambawi, nagpabili ako nang cute na glass mug kay mamiko. Binili naman ako. Hehe. Yey!!!
And that's today's trip of my crazy mamiko...
No comments:
Post a Comment