December 16, 2008

Sunday Special

Nathan and I woke up around 8:00am. We will be meeting my bestfriend sa Blue Wave at pupunta kami nang World Trade Center para mamili sa Bazaar. It will be the first time for nathan to meet Jem as well. Konting kulitan muna sa bed (actually nagbubugbugan kami, yun yung lambingan namin) bago nag-ayos.

"Kain na tayo Ja! Gutom na ako!"


Nathan ate hotdog sandwhich only from last night sa ATC while watching the movie and that was it. Kawawa. Kaya nagutom na pagkagising. Hehe. Growing child pa naman yun. In translation, matakaw! Hehe. Pero nakakainis, hindi tumataba. Hmpf! So I went out of the room to check if there's food available.

"Nathan, magbu-brunch pala tayo sa Blue Wave sabi ni Jem. Magtinapay ka na
lang muna.."

Actually, palusot ko lang yun pagbalik sa room. Wala kasing cooked food to eat. Gumagawa pa lang si mamiko. Kinagat naman niya. Hehe. Pero naawa ako kasi alam ko, nagtitiis na yun. Ang ginawa nang lolo mo, kinuha yung dumbells at nagexercise. Whew! Dinedma na ang gutom, nagpagutom pa lalo. Hehe. Malamang mapapalaban ito sa lunch.



Nang paalis na kami, mamiko asked kung saan kami punta. When I mentioned where, aba, gusto sumama!!! Nawiwili na kakabuntot sa akin ha. Magkasama na kami nang saturday, sunday pa rin. Bonding ito?! Nang pumayag ako, dali-dali siyang naligo. Ewan ko ba, nagwisik lang ata, pagkalagay ko nang tubig sa sasakyan, ready na siya. Ibang klase! Excited! Hehe.

We picked up Jze sa chowking-buendia. Another good friend of mine. Actually, parang little brother ko. Kasi crazy din tulad ko. May sarili nga lang siyang version nang craziness. Hehe. Then, pagdating sa Blue Wave, wala pa ang Jem. Nung tinawagan ko, 10mins na lang daw. So naghanap na kami nang makakainan. Si mamiko ang pinapili namin at first time niya dun. At ang pinili? Gerry's Grill! Wow! Second time pa lang ni TL dun, nung first time, Gerry's Grill din ang kinainan ko. And for the second time, doon uli. Hassle! No choice, gusto ni mamiko.

Then Jem and Stan came. Simula na nang masayang kuwentuhan at kainan. Fiesta kung fiesta ang lamesa namin. Food!!!!! It was a fun lunch out. Walang concept nang share share nang food. Di nauso. Umorder talaga kami isa isa nang kanya-kanyang ulam. At ang winner, si mamiko, dalawang ulam ang inorder kahit na sinabi kong si nathan ang taya sa lunch naming tatlo. Deadma! Order to the max! Hehe.

Nathan, TL, Mamiko, Stan, Jem and Jze at Gerry's Grill

It was nice seeing Jem and Jze again. At least, nameet na ni nathan ang dalawang malapit na kaibigan ko. And funny thing is ang partner ko may pagka tahimik. Si Stan na bf ni Jem, may pagkatahimik, at ang partner ni Jze (na btw eh PLU din) eh may pagkatahimik din. Kung ano ang ingay namin ni Jem at Jze, yun naman ang kabaliktaran nang mga partners namin. Saya diba!


Pagkatapos kumain, picture picture na. Saya! Hobby na namin yun. Part of the agenda lagi. Pag walang picture, we declare the meeting as non-existent. Hehe. At take note, si mamiko, game din sa pichuran. Waaah!!! Mamiko-the newest kabarkada. Why not! At may picture sila ni nathan ha. Ang coot coot!


Eto na, punta na nang World Trade Center. Exciting. My first grand bazaar experience. And with nathan. And our pre-monthsary celebration. Pagpasok, I was so overwhelmed sa dami nang tao at sa dami nang tinda. Hassle! May phobia pa naman ako sa madaming tao at masikip na lugar. But anyways, I decided to just enjoy the time with nathan, my friends and my mom.


Nagkahiwalay-hiwalay na kami sa loob. Text text na lang daw. Kami ni nathan, we bought shirts na pareho ang concept. Hehe. Tapos isusuot namin one time. La lang. Coot! Si mamiko, nakabili nang ilang stuff. Siya ang maagang sumuko at ang dami nang tao. Si Jem, siya lang ang puro bumili at si Stan, wala. At eto ang highlight, si Jze, ang binili, hotdog sandwhich. Hassle!!! Nagbazaar para sa hotdog. Hehe.


Around 4:30pm, we decided to go na at may pasok pa ako nang maaga the next day, at si nathan, uuwi pa nang Dasma. Pero bago maghiwa-hiwalay, picture picture muna uli. Hehe. Ang saya! Nag-enjoy ako. It was a well spent sunday with my loved ones.

Kita niyo yung plastic na hawak ni Jze..
Doon nakalagay yung hotdog na binili niya.. Hehe.

At siyempre, ang star nang buong tropa, hindi papahuli, kailangan may picture din siya:


In fairness, ang daming cute sa bazaar. Pero behave si TL. Kasama si nathan eh. Hehe.

No comments: