December 27, 2008

My poor Khenzo

Sad...

Khenzo got hurt. I had to rush him kanina. He needed professional help. As much as I want to, I don't have the capability to help him. He got injured last thursday, on christmas day. And kanina, when I saw him, malala na talaga. I was sad. Sobrang mahal ko pa naman siya. Sobrang iniingatan wag masaktan. But there will be instances talaga na di mo inaasahan na basta na lang darating.

Sinama ko yung cousin ko kanina pagdala kay Khenzo. My mom was also worried when we left. I know, she was hoping for the best for Khenzo as well. Malungkot ako nung tinitingnan ko kung saan talaga siya tinamaan. Worse nga. Pinakita sa akin. I didn't even bother how much it would cost to make Khenzo better again, basta umayos lang siya uli. I asked them to do whatever it is to make him better.

I met Khenzo last January. Iniisnob ko pa siya nung una. Wala talaga akong interes. I always see him then pero dedma lang lagi. Di ko alam kung bakit, wala naman siyang ginagawa para ika-irita ko. Actually, mas nauna silang naging close nang kapatid ko. He even met my dad. Sabi pa nga ni daddy, okay daw si Khenzo. Ewan ko ba, may few moments with him naman pero di talaga ako tumatagal sa pakikipagbonding sa kanya.

It took us months bago gumaan ang loob ko sa kanya. Grabe, parang naging puwersahan pa nga. Naging 2:00am kasi ang shift ko noon. Scary magcommute. Mga hold-up phobia. Pero simula noong August, lagi na niya ako hinahatid sa work. Although hindi ko masyado kinukuwento sa mga tao sa trabaho about him noon. Wala lang. Ilang friends lang ang nakaka-alam. Nahihiya kasi ako.

Hinihintay niya ako hanggang paglabas ko. Sobrang tiyaga niya. Bilib nga ako doon eh. Basta tambay lang siya. Steady lang. At kung may lakad ako, madalas niya akong samahan. Sweet nga yun eh. Kaya mamahalin mo talaga. Sino bang hindi.

Ilang months na rin niya ginagawa ito. Hanggang ngayon. Actually alam nga ni nathan yun. Pero tahimik lang siya. Alam naman niyang iba yung relasyon namin. May tiwala siya. Basta mahal ko si Khenzo. Mahal ko din si Nathan. Pero mas madalas kong kasama si Khenzo. Halos araw-araw. Di tulad ni Nathan, once a week lang.

Madami na kaming pinagsamahan. May ilang beses na rin siyang nasaktan na dinamayan ko parati. Marami na rin kaming lugar na pinuntahan. Nameet nga din niya si Arvie. Kasa-kasama ko siya sa Cavite noon pag binibisita si Arvie. At una din niyang nameet si Lucky kaysa kay Nathan. At nameet na rin niya si Jay kelan lang. Basta, gusto ko pinapakilala ko din sa kanya yung friends ko if given a chance.

Btw, tsismis lang, my bestfriend Jem has a one time experience with Khenzo. Kelan lang yun. She asked me if it's okay. Sabi ko okay lang, wala naman din magiging problema kay Khenzo. Hinayaan ko na. Pero sikretong malupit lang ito ha. Baka malaman nang boyfriend ni Jem. Lagot ako. Hehe.

Going back, kasa-kasama ko din si Khenzo sa gym. Basta, kung saan saan. That's the story of TL and Khenzo (nathan, wag ka magseselos ha, wala talaga). Kaya kanina, twas sad to see him hurt. But thank God, he was released agad and now, feeling better kahit papano. I took a picture of him coz I thought of posting an entry for him today. See the pictures:

This is my Khenzo at the Vulcanizing Shop

At ito yung tires niya na nabutas nang pako nung pasko.

Ayan, inaayos na siya. Yey!

So now everyone, you already saw my Khenzo. Hay! Dalawang gulong ang tinira nang mga pako na nilagay sa kalsada nang mga ewang hudas na yun. Hassle! Nathan, ikaw pa rin ang number one ko!!! Hehe.

No comments: