December 31, 2008

New Year's Eve

6:00pm, nasa trabaho na si TL. Yes. May pasok ako nang New Year's Eve. The first time ever in my entire career. Saklap. Ngayon ko lang 'to na-experience. I have 6 proteges expected to report to work. The rest, naka-leave. Pero si mommy lissa, hindi pa binigyan nang fit-to-work, kaya pinauwi ko na lang. Ang anim, naging lima. Eto sila:

Kalbo sa dulo...

Kalbo sa kabilang dulo rin. Hehe...

Ang konti nang tao. Sa tatlong floors nang W, pinagsama sama lahat sa 3rd floor. At, hindi pa siya puno. Pero, may libreng food. Yum yum! Sinerve nang 9:00pm. Kami nang team ko ang unang sumugod. Attack!!! Hehe. Sarap. Pagbalik sa floor, picture picture lang nang ibang kasamahan ko sa trabaho habang tambak nang calls. Queuing!!!

Armin, TL, Anne, El & Teddy Bear

I left around 11:00pm. Request kasi ni mamiko na humabol ako. Gusto niya kumpleto kaming tatlo pagsalubong sa bagong taon. Although sobrang kabado, umalis ako at sinugod ang daan. I swear, Volume 25 yung audio nang sasakyan ko at ayaw kong may maririnig na paputok sa labas. Magugulatin kasi ako. Sobrang kabado kaya nagsisi-sigaw ako sa loob nang sasakyan. Pinagkakausap ko si Khenzo, na feeling ko eh rinding-rindi na sa akin. Para talaga akong baliw kanina. Hehe.

Gladly, I survived and arrived safe at home...

No comments: