December 18, 2008
Boytoy ni TL
Kung sino ka man, bilib ako at naitago mo ang pagkatao mo sa akin. Ang galing! Hindi ko nakilala ang taong inidolo ko sa paggawa nang "Ang mga karanasan nang isang Boytoy". Naging masugid akong tagasubaybay. Nawili at naaliw ako sa mga sinulat mo. Ipinangangalandakan ko pa nga kung kani-kanino. Kakaiba kasi. Ibang klase. Bukod tangi.
Nang dahil sa'yo, naniwala ako sa ibang set-up nang pag-ibig. Hindi ko akalaing maniniwala din ako sa ganun. Ito ang naging dahilan kung bakit naniwala ako na pwedeng kong mahalin si nathan. At yun na nga, kami na. Ilang beses nag-isip ang utak ko kung gaano ka kaguwapo ayon na rin sa'yo. Ilang beses ko ding inisip na ako na lang sana si cupcake. O kahit siguro bilang kaibigan lang. Mukhang baliw ka din kasi tulad ko.
Noong tinigil mo na ang pagsusulat nung Mayo, nalungkot ako. Sobra. Sa di maintindihang pakiramdam. Pero mas lalong lumungkot nang wala na akong nakaraan mo na pwedeng balik-balikan. Minsang binuksan ko ang blogsite mo, wala na. Nabura na o binura na. Hindi ko na pwedeng uli-ulitin lahat nang sinulat mo. Isang masarap na libangan sana. Sayang. Isang malaking panghihinayang talaga ang naramdaman ko. Pakiramdam ko, nawala ka na sa buhay ko.
Sinasabi nang kabigan ko na baka kilala ka niya kasi taga diyan siya sa lugar niyo. Base sa mga detalye nang kwento ko, malakas ang pakiramdam niyang kakilala ka niya. Sana maglaro ang tadhana. Sana ikaw naman ang sumubaybay nang blog site ko. Sana, sa di inaasahang pagkakataon, matagpuan mo ito. O di kaya magkabunggo tayo sa daan.
Para sa'yo tadhana, maglaro ka sana. Para sa'yo Boytoy, maraming maraming salamat. Ito'y para sa maraming kadahilanan. Kung sino ka man, maliit lang ang mundo. Malalaman at malalaman ko din balang araw kung bakit nagkatagpo ang ating tadhana sa blogworld. Ingat!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment