December 31, 2008

ZsaZsa and TL's New Year

Pagkapark na pagkapark ko sa garahe, sinalubong ako ni mamiko. Pagkasara ko nang gate, nilapitan kami nang katulong nang kapitbahay namin. Ang sabi sa amin, nagwawala daw yung isang kasama nila sa bahay. Wala ang mga may-ari, umuwi nang Bicol. Mga katulong lang ang naiwan. Pinuntahan agad namin habang nagpuputukan sa kapaligiran. It was 45 minutes before 2009.

Pagpasok sa house nang kapitbahay namin, nakita namin nakasalampak na sa sahig yung isang katulong, umiiyak, sumisigaw, nagwawala, kung ano-ano ang sinasabi, nagmumura. Nilapitan agad ni mamiko. Pinilit kausapin. Inaalam kung bakit. Ako, nagmasid lang. Hinayaan ko muna si mamiko. Yung mga kasama, kinakabahan. Natatakot.

Kung ano-anong klaseng approach na ang ginawa ni mamiko. Hindi pa din tumitigil. Sinasabing galit siya sa nanay niya, papatayin daw niya, wala daw kwenta, hindi daw siya mahal, at kung ano ano pa. Bothered ako kasi ang pangit nang may ganito sa pagsalubong sa bagong taon. Hassle. Naisip ko, sino ba ito at gusto pang sirain ang bagong taon ko. But again, umiral ang pusong wagas ni TL. I felt some burden and tried helping mamiko with her.

I asked her name, Zsazsa daw sabi nung ibang kasama. 16 years old. Wala nang tatay, patay na. First approach, inayawan ako. Nasipa pa nga ako. For you to imagine the scene, para siya napo-possess. Sinasabi pa niyang kinukurot siya at pinapalo sa pwet nang nanay niya at that time. Turo siya nang turo. Nakikita daw niya ang nanay niya. Habang pinagmamasdan ko ang usapan nila ni mamiko, I then got what she's exactly going through. Then I asked mamiko to let me just talk to her.

I held her hand habang nakayakap siya kay mamiko pero nakasalampak pa rin sa sahig. With a commanding voice, I told her to only listen to me and that she should stop crying because we are there to help her. Sinabi kong wala sa bahay ang nanay niya. Walang mananakit sa kanya and she should listen to me. After all the psychological convincing effort, she then started listening to me and asked her to come with us at our house. Naramdaman kong may hurt din siyang dinadala sa loob nang bahay na yun, aside from the parental hurt she had in the past.

Siyempre, na-shock sila when they finally saw her obeying me. This was not the first time I have dealt with this. This is actually the kind of challenge TL enjoys. Mental and psychological issues. Hindi pa natapos pagdating sa bahay. Although nag-subside, pero continous pa din. Tuloy-tuloy lang ang pagbigay ko nang order sa kanya. She listens to my command even she is still bothered by what she is seeing and hearing.

Naghahallucinate siya. Nakakakita siya nang tao, malaking mata, madilim. Naririnig niya ang nanay niya na pinagbabawalan siya nang kung ano-ano at pinagbabantaan. Pinapainom namin nang tubig, sinasabi niya bawal daw sabi nang nanay niya. Pinapakain namin, bawal daw. Basta, she is like under the control of her mom. Kaya ang ginagawa ko, I try to get her attention and convincing her to listen to me instead. And she does.

Nilayo namin lahat nang matatalas na bagay. In her situation, if not controlled, she can have the tendency to really get out of her mind. But people in that situation can easily follow to your order once you establish your command. Risky, but poor girl. If you don't know how to handle it, things can get worse. I cannot also take to just leave her suffering. I felt the burden so I never left her. Binantayan ko talaga siya hanggang sa kumalma.

12:00am, we all welcomed the new year. Lumabas kami. Sige ang ihip ni TL sa maingay na turotot. Ayaw kasi namin nang paputok. Nilabas namin si zsazsa. Pero nakayakap pa rin siya kay mamiko. Hindi ko nilulubayan ang atensyon ko sa kanya. Tumatawa siya kapag nagtotorotot ako. Pumalakpak. Malubayan mo nang saglit, at pag tumigil ka sa pagiging masaya, titingin sa ibang direksyon at makikita niya ang nanay niya uli. Kaya tinututukan ko. Nag-ingay kami lalo.

Masaya naman kami sa pagsalubong nang bagong taon, aside from zsazsa getting all of our attention. But, we never let it ruin the celebration. We made it as normal as possible. But, what I felt in my heart was overhwelming. That I was able to help someone. Feeling ko it was a big good karma in welcoming the new year. A poor girl needed a big love from somebody.

Pagkatapos nang putukan, pumasok na kami sa loob. Sabi ko sa kanya, sleep na siya. Sinusunod naman niya lahat nang sinasabi ko. Psychological battle na kasi eh. Maaawa ka talaga. Pero feeling ko hindi lahat nang tao sa paligid kanina, naiintindihan siya. Even my sister, feeling ko nga naiinis pa siya. Ako, sobrang naiintindihan ko. Punong puno nang galit yung bata. Kulang nang pagmamahal at atensyon. Nakakaiyak actually. Lalo na nung ine-embrace niya ako.

She felt she had a family. Kung sino sino ang tinuturo niyang gusto niyang maging nanay. Gusto daw niya mag-aral. Gusto daw niyang pagsilbihan ang mga taong tutulong sa kanya. If you saw her, iisipin mong baliw talaga. Nagsasalita mag-isa. Basta hindi talaga normal. Pero ako, hindi ko siya iniwanan. Naiintindihan ko siya. Kinurot ang puso ko. It was even my first time to see her kahit katulong siya nang kapitbahay namin.

Pinatulog na namin. Pero bago yun, pinagpray muna namin. With what has happened to her, she needs God to really save her from the overflowing hatred in her heart. I felt that she needs to release all the anger, forgive people and let God bring peace in her heart. This was the most touching new year celebration experience for TL. A story I will never forget.

It was very surprising. But I found a reason why God has let me go home early today. I thought it was just to be with my family in welcomg the new year, but it became to be a showing of a family love to someone who doesn't have. It was so awesome to end the year and start the new year with a very good deed.


There she is, sleeping tight at our house. May she wake up with a brand new start on the first day of 2009...

No comments: