I have a very cute kwento. Kanina, binigyan kami ni Basti nang long lunch break. Mine was like 1 hour and 40 minutes. And that was too long!!! Na-excite ako to the point na di ko alam gagawin ko sa lunch break ko. Until I decided to go to the gym na lang so that after work, I can go home na. So I did that.
Cardio for 45mins lang ang ginawa ko. Kasi I counted pa yung travel time, yung pagpalit nang damit, at pagbili nang food. Sakto naman. Yun nga lang, you have that feeling lang that you are being rushed. Feeling ko tuloy, yung mga body fats ko eh na-hyper sa mabilis kong work-out. Di ko pa man lang nasilayan ang mga crush ko. Spell "absents". Hmpf!
Okay, so ito na. Bago matapos yung cardio exercise ko, iniisip ko nang sa Fruit Magic na din ako bibili nang food to save time. Kasi doon na din mismo yun. The problem is, I left my zamboanga wallet (yes, courtesy of Eds) sa car. So umorder na ako at babalikan ko na lang yung bayad. Lumabas na agad ako nang FF at pumunta sa parking area.
When I got in to my car, I took my wallet and locked the door immediately. Mega takbo pa ako to save time. Nang malapit na ako sa FF, I noticed na ang hawak ko lang is my FF entry card at my car keys. In short, naiwan ko yung wallet. So balik si TL thinking pa kung naiwan ko sa loob nang car o nalaglag ko. So, hassle moments na!
Pagbalik ko sa car, nandun yung wallet sa baba/labas. Nalaglag ko pala. Buti na lang, walang tao. Eng-eng #1. That time, I decided to leave the FF entry card sa car kasi baka mabulsa ko na naman at makalimutan on my next work out. So, I locked the car at mega takbo uli papuntang FF. Nang malapit na, I realized kailangan ko pala yung entry card para makapasok at makuha yung order ko. Stupid diba! Eng-eng #2.
Hesitant na akong bumalik kasi isa nang malaking joke yun. Nag-eenjoy na si Parking guard panoorin akong magback and fort. Parang extra cardio exercise na yun. So I decided na sigawan na lang si ate tindera sa Fruit Magic at iabot na lang sa akin yung order ko. Yun nga ang ginawa ko. Effective naman. Oh di ba! Very smart TL during stupid moments.
So bumalik na ako. Finally tapos na. Pero ito ang mother-hopper nang lahat nang kaeng-engan kanina. Sa car na kasi ako nagbibihis at nagpapalit. Wala lang, fear factor kasi sa loob nang Men's room. Hehe. So dahil nagmamadali, dere-deretso hubad pagkasakay. Go lang nang go. Until I realized hindi ko pa pala nasasara yung car door. Waaaah!!!!! Stupidity at its best!!!! Some people have seen me in my boxer briefs only. Waaaahhhhh!!!!! Porn star in the making. Scandal ito.
Oh well, ano naman mapapala nila sa nakita nila. Hehe. Si kuya guard, ang cute, naka smile sa akin. Nangungutya. Hassle. Ang moral lesson nang story, HUWAG MAG-GGYM ON YOUR LUNCH BREAK!!!
December 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment