December 28, 2008

Sunday work

Last night was a crazy night at work. Light. Fun. Adventurous. CRAZY. Eto ang series of events kagabi. Mawindang kayo:

  • I arrived 10:00pm. May dala akong pint ice cream kay Kumander as pasalubong. Nagcrave sa ice cream at ninenok yung tinago niyang one gallon sa refrigerator (at ginawan niya talaga nang entry sa blogsite niya about this nenok incidents niya at work. hehe). Buntis ata, gusto talaga nang ice cream that night kaya binilhan ko na. Hehe. (Ay! Wala pala siyang boyfriend ngayon. Hihi)


  • Basa nang emails. Kumuha nang updates from Kumander. Nangamusta sa 8 TM kagabi. The rest was on leave. Around 11:30pm, nagpahatid si Jhen sa Asian Hospital at suka nang suka. Inaatake nang Gastro-athritis niya. Akala ko buntis na. Hehe. At balak pa magcommute, pwede ko naman ihatid. Which I did. Nagpasama ako kay Kumander.


  • After asian, pumunta kami nang Chowking for our lunch ni Kumander. Yun naman ang kini-crave niya (hay, ikaw na ang parang buntis). Tuwang tuwa nang makitang bukas yung store. Pero eto ka, pagka-park, nang papasok na kami sa Chowking, biglang may nakaharang na payong sa pintuan and a sign saying "Closed for some emergency maintenance at 12:00am". Eh 12:03 na that time. Bwahaha. Malas. And ending, sa katabing Jollibee kami kumain. Kaya ayun, nagpicture-picturan kami.


  • Pagbalik sa trabaho, ni-log-out ko yung team at nagkaroon kami nang fun activity since madaming "avail" time. Tsaka para marelax naman sila. Tutal, it's sunday. Kaya ayun, ang saya. Naaliw sila sa pakulo kong laro na naisip ko pagbalik namin from our lunch ni Kumander, which I don't have a title to it. Hehe.


  • Pagkatapos nang activity, nagpasundo na si Jhen sa Asian. Tapos na daw siya turukan nang doctor (ay, parang masagwa). Oh well, alam niyo naman what I mean. Hehe. Tapos hinatid na namin sa may BF para makauwi na at makapagpahinga. So from work, to Asian Hispital, to BF village, then balik sa work. Go Khenzo!!


  • Pagbalik sa trabaho, nagcoaching kami ni Kumander. At alam niyo ang topic? Dating, Love & Relationship. Oh! San ka pa! Kailangan turuan eh. Haha. Enjoy na enjoy naman si Kumander. Panay ang tawa at gusto na magka-boyfriend uli. Hehe.


  • 4:15am, nagismula nang magcoaching uli si Kumander. Ako naman, nagfloorwalk. Para na rin matagtag yung mga kinain ko. Hay! Lumulobo na naman ako. At ang resulta nang pagfo-floorwalk? Dalawang tumataginting na supe call. Waaah!!! Di ko na inistrobo si Kumander. Ako na ang kumuha. Nang marefresh ang napag-aralan nung Training.


  • 5:45am, uwian na. Ang plano ni TL, mag-gym nang mabawasan ang timbang sa mga na-gain nung christmas fever. Aba! si TL, dumeretso uwi. Tinamad! Hay! Pagdating, tulog! Napagod. Pero promise, today, I'll go to the gym. Kailangan na talaga!
So that was my night. Our night. Kulet noh. Hindi yan yung normal kong routine. Kagabi, naiba siya. Pero fun.

Fun! Fun! Fun!

No comments: