December 10, 2008

Last night's attack


Inatake na naman ako kagabi. Hay! Pinilit ko nang matulog around 8:00pm nang di ako malate sa work early next day. Pinangarap ko kasi magkaroon uli nang 8 hours of sleep. But wait, no, 10:00pm, gising pa din ako. Nararamdaman ko na siya but I keep ignoring it. Alam ko nang weird na ulit yung feeling. Nilalabanan ko lang.

Bandang 11pm, I was hopeless na. I knew I cannot fight it anymore. Iniisip ko, dahil sa kakasubaybay ko sa pagkamatay ni Marky Cielo, na pag nakatulog naman ako, baka di na ako magising. Ayaw pa!!! Ayaw ni TL nun. Kung ano-ano nang naiisip ko. So I stood up and went to mamiko's room. I'm glad that she was still awake. I thought maaga siyang natulog kasi nag-iron siya nang mga damit ko na napaka-dami.

I always go to mamiko when it attacks. She has this magical potion that eases it. I asked her na pumunta na kami nang hospital. Pero pinahiga na lang niya uli ako. She was calm while I wasn't. Thank God, nawala din after awhile. Nakatulog na ako sa kwarto niya. Binantayan na niya ako buong gabi hanggang sa mag-alarm na yung phone ko. It's time to prepare for work.

4:00am, medyo magaan na nang konti yung pakiramdam ko pero yung utak ko, baliw pa din. Habang naliligo, alam niyo ba kung ano ang naiisip ko? Naiisip kong baka magpakita si Marky Cielo sa akin sa loob nang banyo habang naliligo ako. Hassle di ba. Dahil madaling araw at tulog lahat nang tao sa bahay, may ganung katatakutang nalalaman ang utak ko. Kaya pinilit kong maligo na di pinipikit ang mata (na-imagine niyo ang pagsha-shampoo ko?). Bathing should be a fun thing di ba.

Oh well, baka isipin niyo sa last statement ko eh naglululundag si TL sa banyo pag naliligo kaya fun thing. Hindi! Hala, basta, yun na yun. Mag-eexplain pa sana ako. Hehe. Basta, bless your soul Marky. Bakit ba kasi naiisip kita.

But I'm glad I survived another attack without commotion. Thank God!!!

No comments: