December 15, 2008
Yron and Abi's Wedding day
Woohoo!!! It was TL's first time na maging ninong sa kasal. Breaking the tradition na kailangan matanda at may asawa ang kukunin mong ninong sa kasal. But no! Mana si Yron kay TL sa pagiging crazy kaya kinuha niya akong ninong sa kasal niya, which I instantly said "Yes!". First time ko din mag-drive papuntang Los Banos, Laguna kaya excited din ako.
We left the house past 11:00am. Kasama ko si mamiko at si Drey na abay din sa kasal. Suot ko na ang barong ko kasi mahirap suotin, magugulo ang buhok ko. Kaya go sa pagdrive nang naka barong. Walang pakialaman! Oh well, naka gown din naman na si Drey, at sa front seat siya pinaupo ni mamiko para tandem. At in fairness, close na si mamiko at drey nang sobrang sobra. Hehe.
We arrived at Los Banos around 12:30pm. Sobrang aga namin. 2:00pm pa ang kasal (excited?). Sabi kasi ni Yron, we leave the house nang 11:00am dahil traffic. Di naman. Anyways, when we found the church, we decided to eat lunch muna somewhere near. We stopped at mini-stop (yes, it rhymes na parang redundant lang) at sa loob na nang sasakyan kumain (kasi naka-barong at gown na kami ni drey). Si TL, nagtakaw kasi favorite ko ang Mini stop. Full meal talaga kinain ko. Hotdog, fried, chillers and ice cream. Oh! San ka pa! At pumasok talaga ako nang mini-stop nang naka-barong with matching havianas. Whew!
We went back to the church 15minutes before 2:00pm. Andun na lahat sila. Exciting! Sar-isaring moda. Makulay! Pero si TL, may kabang nararamdaman. Hulaan niyo kung bakit. Hindi dahil excited sa kasal ni Yron (oh well, partly, of course), hindi din sa suot ko (although feeling ko ang taba-taba ko sa barong), hindi din dahil may kakilala, kundi... ako ang pinaka batang ninong sa pila!!! Baka hindi sila maniwalang ninong ako. Seryoso, concern ko yun at that time.
Pagdating sa pila, inaayos na yung magpapartner. I was just standing sa gilid when they called my name, napatingin sa akin ang mga flambouyant ninangs (plural nang ninang. hehe). At si drey, naglaho na lang bigla sa tabi ko. Andun na pala sa partner niya. Flash Elorde ito! At ang name nang kapartner ko, "Star". Sosyal. Flambouyant na flambouyant. Hehe. Walang sabi-sabi, umakbay si ninang star sa kamay ko nung nagsimula na ang march.
Awkward nung magkahiwalay na ang mga ninong at ninang. Kasama ko ang mga thundercats. At walang kumakausap sa akin. Feeling ko, ayaw nilang maniwalang ninong ako ni Yron at Abi. Feeling ko din, iniisip nila, proxy lang ako dun sa totoong ninong. Kasi naman, brown ang hair ko. Spikey. May long buntot pa. At tulis ang shoes. Brusko pink in barongski!!! Khewl.
So deadma. Go with the wedding. Tahimik lang ako. Ninanamnam ko ang pag-iisang dibdib nila Yron at Abi. Serious mode. Although medyo conscious ako dahil sa likod ko lang ang mga abay na lalaki na mga kasing-edad ko lang ata, at dapat dun ako nakahilera. But no. Sa mga thundercats ako that time kabilang. May crush nga akong isang abay. Coot-coot. Kaso straight.
Eto na, picture taking na. Tinawag ang mga ninong. Tadan!!! Nakita nang buong simbahan si korean oh baby baby ninong TL. Saya. Smile to the max naman ako. Picture eh. Hinding-hindi palalampasin yun. Parang gusto ko nga mga 20 shots kaso bilang pala yun. Hehe.
Si mamiko, masugid na PA ang role niya. Hinatid ako sa pila, taga kuha nang picture, inabutan ako nang tissue, at, eto ang pinaka panalo sa lahat, na-shock ako, nabili niya agad yung souvenir picture doon sa mga kumukuha sa kasal. Akala ko yung akin lang, but wait, no, meron din siya!!! Nagpakuha kay manong photgrapher. Hassle! Like mother like son ito?!!!
So reception niya. Dito na kakanta si TL. Nagsimula nang mangatog ang tuhod ko. Ang tagal ko na kasing di kumakanta uli. I'm scared na baka magkamali or pumiyok. Nakakahiya. Eh ang kanta eh mataas. Hassle. Hindi nakakain si TL. Tensed! Parang gustong maglaho that time habang si mamiko ay enjoy na enjoy sa food. Feel at home. Singit lang naman sa wedding na yun. Hehe. Ang ganda nang reception venue. Makulay!
At eto na, tinawag na ang bride at ang father niya. They will dance while being serenaded by TL. Waah!!! That was the moment. Shaky hand, Key of C pa kinuha yung song, walang practice at ang tumugtog ay 4 strings quintet, at hawak ko ang copy nung song dahil di ko kabisado. Sa unahan pa ako kailangan kumanta where everyone can see it. But of course, TL will not put down a show. Sing to the max ito. In fairness, maganda ang microphone. Binahala ko na lang. And unang line palang, umiyak na ang bride. Shet! Muntikan akong madala dun.
Siyempre, hindi pwedeng walang video. I asked Stephen to take a picture, and to take a video. Oh! san ka pa! Then, after ko, si Drey na. She sang From this Moment, which she did so well. Nakakadala din. Ayun, nakaraos din. Tapos na ang mga ngatog moments. At naka kain na rin ako.
After nang wedding, which by the way was hosted by Zac, picture uli. At eto ka, si mamiko, may mga ka-meet and greet. Mrs.Congeniality ito. Mga taga-bicol kasi. Nagbabaka sakaling kakilala. Hassle! At si Drey, ang cute cute, sabi ko kasi, taga Guinobatan, Albay si mamiko. Ang tanong sa akin, "Saan sa Bicol yung Kagubatan?". Kagubatan?!!! Katabi ko lang siya ha. Bingerts talaga. Hehe. Coot coot ni drey.
We left around 6:30pm. Have to leave kasi magkikita pa kami ni nathan. Siyempre, traffic hours yun kaya medyo na-stuck kami sa Calamba. I hate traffic. Ang sakit sa paa. Buong maghapon pa naman nangatog yun. Hehe.
To Yron and Abi, congratulations. And shet, it's official, ninong niyo na ako. Waaahhhh!!!! Bata pa ako!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
at di nya tlga pinalampas un "kagubatan"!!!! ksalanan ko ba kung un lang ang natandaan ko? ahehhe... anyway, had a great time with you and mamiko that day !!! btw, sino un cute sa abay? di ko napansin e...
Post a Comment