December 25, 2008

TL's Christmas celebration

The house was filled with our relatives that's why medyo magulo, maingay pero masaya. Busy si mamiko. Mega-luto mode siya kagabi. May nanonood nang dvd sa sala, may nagpapatugtog sa labas, may mga nagluluto, basta they are everywhere. At nasaan si TL? Nasa room niya. Nagbo-blog. Hehe. Wala magawa eh.

I'm not snob with my relatives. It's just that wala lang talaga ako ka-age group
kaya wala naman akong pwedeng kabonding. The young ones treat me as an elderly na, while the oldies treat me as a young one. So in the middle talaga ako. Kaya blog blog na lang while waiting for the christmas eve habang kinukulit nang pinsan kong maliit. Coot coot niya!


Hindi na nauso ang maghintay nang 12:00am para magkainan at magbigayan nang gifts. Etong si mamiko, excited, pinapakain nang pinapakain na ang mga tao, at dinsitribute na niya lahat nang gifts, even yung akin. Hassle. So everyone was just waiting for the clock to strike at 12:00 to celebrate christmas day.

Nathan and I talked over the phone. Kawawa, his parents have work at kasama lang niya eh mga kapatid niya. May inuman sila nang tropa niya after the christmas eve strikes, so yun na yung christmas celebration niya. Pagod si nathan. Sinamahan niya mom niya buong maghapon sa tiyangge. Namili sila.


11:59pm, I decided to go out and greet everyone a "Merry Christmas". So TL was all smiling when I went out of my room, roamed around the house, greeted everyone but yet, no one greeted me back. I wondered. Suplado silang lahat? I even said to myself "what a boring christmas welcome". Umupo na lang ako sa sala. Nagmasid. Sige lang, sabi ko, carry lang, feel the christmas na lang.


12:15am, my sister shouted merry christmas outside, and everyone looked at the clock. At lahat sila nagkagulatan at hindi nila napansin na nag-12 na pala. Haggard! Nagtawanan lahat. Doon nila na-realize na nadedma pala nila ako. Hay! Ang saya. So yun, kainan uli, nag-inuman yung mga pinsan ko, ako hindi kasi di naman ako umiinom. So after the celebration, I went back to my room and chatted with Gian, Zue Ann and Jze.

Left: Mac-mac, Jerome, Lissa, Julius, Grace, Reggie, Biboy & TL

Over-all, it was a fun christmas celebration in our house. Masaya, madami kami. Dami food, at madami akong gifts na natanggap this year (in fairness). To everyone, I hope you guys had a great christmas celebration as well...

No comments: