It was 8:30pm when we got home. Hindi ako maka-deretso sa ATC kasi kasama ko si mamiko. Sobrang pagod yung paa ko. 9:00pm yung usapan namin ni nathan. Manonood daw kami nang movie. Gusto kong humirit na malalate ako at gusto kong magpahinga saglit. Good thing he texted na wala daw siyang masakyan. Nagchristmas party daw yung mga drivers nang van. That's why he had to go to Imus, Cavite for the other terminal. Kawawa. Stress na siya!
I called him and offered to pick him up kung wala siyang masakyan. Sabi niya, hayaan ko na daw na makapag-commute siya para malaman ko daw na yun yung effort niya sa pagkikita namin. Natats naman si TL. Mababaw pero may laman. So, okay, I was happy somehow because I had a chance na ipagpahinga yung paa ko. Hehe.
Nathan arrived in ATC mga 9:45pm and texted me to leave the house na. Dali dali naman ako kasi tama bang magtext na umalis na ako na nandoon na siya. Siyempre, ayaw ko naman paghintayin siya dun. So the fast and the furious mode and driving ko. Wala munang nausong gas efficiency that time. At si TL na di mahilig gumamit nang busina, mega beep beep that time para padaanin ako. Hehe.
Gusto ko sana magdinner na lang tapos uwi na para makapagpahinga dahil sobrang bagsak na katawan ko. Tsaka 6:00am pa lang, gising na ako nang saturday. But he texted me of the last full show schedule. Nahiya naman ako at mukhang gusto talagang manood. Concern pa siya na baka di namin maabutan at alam niyang ayaw kong manonood nang di nasisimulan. So run run run ako pagkapark. And when I saw him... nawala lahat nang pagod ko (kilig). Sarap! Sarap i-hug ni nathan in public place. Kaso no no!!! Hehe.
We watched The Day the earth stood still. Twas a nice movie. I didn't know it was a remake pala. Meron na palang movie na katulad nun dati. At in fairness ha, nacute-an ako kay Keanu Reeves na never akong naging fan during the Matrix mania. And I thought makakatulog ako, pero sa higpit nang hawak ni nathan sa kamay ko, wala atang makakatulog sa ganun. Hehe.
Umuwi na agad kami after the movie. Excited na si TL sa..... kama. Hmm, kala niyo kung ano ha. Naughty! (at talagang nag-assume akong yun ang inisip niyo) Haha. My body was longing for my bed that time. And also, to spend time with nathan. Namiss ko siya. Namiss din niya ako. Para kaming pinagdikit na sapot sa kama. Konting kuwentuhan bago matulog.
It was nice seeing him again after a stressful week of training...
December 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment