December 31, 2008
Countdown to 2009
Kagigising ko lang..
Tahimik ang kapaligiran.. Himala..
Parang hindi December 31.. Hindi maingay sa labas..
Alam ko na.. Umuulan pala..
Sana umulan hanggang mamaya.. Oo, killjoy ako..
Takot kasi ako sa paputok.. Wala sa amin sa bahay ang nagpapaputok..
Hassle ang isa naming kapitbahay.. Grabe kung magpaputok lagi..
Kawawa naman kami ni Thokie mamaya.. Manginginig sa takot..
May pasok ako.. Pero hanggang 11:45pm lang..
Sa kagandahang loob ni Armin.. Ok daw akong umuwi nang maaga..
Ang tatlong maria lang kasi ang nandito sa bahay.. Kami lang..
Hiling ni mamiko.. Makasama ako sa pagsalubong sa bagong taon..
Isang kabanata na naman ang matatapos.. Panibago na naman..
Doseng buwan.. Pero parang labindalawang araw lang ang nagdaan..
Ang bilis talaga nang panahon.. Parang kailan lang..
Shet, tatanda na naman ako.. Marami na naman ang mangyayari..
May mga natapos na pagkakaibigan.. May bago namang nakikilala..
May mga relasyong di nagtagal.. Pero may bago namang sinisimulan..
May mga eksenang nakakaaliw.. Meron din namang nakakabaliw..
May mga matatapos.. May mga magsisimula..
Dumating si Khenzo.. Nawala si Jay..
Nagsimula nang mag-drive.. May bagong SL sa trabaho..
May mga nag-resign na agents.. May mga dumating na bago..
Nagkaroon nang iTouch.. Nakarelasyon si Arvie..
Nakapunta na nang Laiya.. Nakapunta na nang Dasma..
Nakilala si Lucky.. Dumating si Nathan sa buhay ko..
Nanakawan nang wallet.. Kumulit lalo si mamiko..
Malaki na si Thokie.. May apat na buntis na agents..
May trabaho na si Lissa.. Graduate na ang kapatid ko..
Bagong gawa na garahe.. Tapos na ang kontrata sa FF..
Iba't ibang pangyayari.. Napakadami..
Pero masaya ako.. Walang bahid nang pagsisisi..
Nagsimula ang taon kong in-love ako.. Magtatapos ding in-love ako..
Ang saya saya di ba.. Ganun daw talaga yun..
Sa lahat nang kaibigan ko.. Kamag-anak..
Mga katrabaho.. Pati na rin sa mga taong di ko gusto..
Manigong Bagong taon sa inyong lahat.. Iwasang magpaputok..
Ibang putok na lang.. Wahaha..
Para sa marami pang kabaliwan ni TL sa 2009..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment