July 11, 2009

12 Cases of Love


Case #1: Si lalake, nalamang buntis ang girlfriend niya. Umamin sa kanya. Pero ang catch, ibang guy ang nakabuntis sa kanya. Saklap! Sampal sa pagkalalake. After nang ilang taon nang relasyon nila, ganun lang ang nangyari. Hiniwalayan ni lalake si babae. Ngayon, magkaibigan pa rin si lalake at si babae, pero may pamilya na si babae.

Case #2: Si lalake, nalamang may cancer ang girlfriend niya. Matagal itinago sa kanya ang katotohanan. Nalaman na lang niya nung huling araw niya sa mundo. Naging saksi siya sa huling hininga at siya din ang nagsara nang mata ni babae nung nawalan na siya nang buhay. Isang magandang relasyong natapos agad dahil kinuha na ang buhay ni babae. Nagluksa nang todo si lalake sa pagkamatay ni babae.

Case #3: Si lalake, nakabuntis nang hindi pinlano. Naging bitag sa isang patibong. Isang planong pinag-isipan at pinaghandaan ni babae. Nagtagumpay si babae. Nabuo ang bata pero tinakasan ni lalake ang responsibilidad. Hindi pa siya handa. Matapos ang isang taon, napag-isipan ni lalake na wala na siyang magagawa at siya ang ama nang inosenteng bata. Dahil sa takot, nakipagkasundo sa magulang nang babae na aalisan siya nang buong karapatan bilang ama nang bata. Walang kasalang naganap. Si babae at ang bata, nasa ibang bansa na ngayon.

Case #4: Si lalake A, nalamang kabit lang pala siya. Umamin si lalake B na ka-relasyon niya na pangalawa lang pala siya at magkarelasyon pa rin sila ni lalake C. Si lalake A, nakipaghiwalay kay lalake B. Nasaktan nang lubusan. Ngayon, patay na si lalake B na siyang naging unang lalake na minahal ni lalake A.

Case #5: Si lalake A, nakipagrelasyon kay lalake B na unang beses makipag-relasyon sa kapwa lalake. Tinago ang relasyon dahil ayaw ni lalake B na malaman nang publiko. Pumayag si lalake A. Nang pumutok ang balita dahil may isang kaibigan na nag-traydor, natakot si lalake B at idiniin sa publiko na kasinungalingan ang lahat. Nasaktan si lalake A at lumipat nang kumpanya. Si lalake B, nag-asawa na nang babae para takasan ang kahihiyan.

Case #6: Si lalake A, nalamang natulog sa bahay nang ka-relasyon niyang si lalake B ang ex nang bestfriend ni lalake A. Nagalit si lalake A nang malaman niya dahil pinilit pang magpalusot ni lalake B. Ang ending, pinagbintangan pa ni lalake B na may ibang lalake si lalake A. Kaya ayun, hiniwalayan ni lalake A si lalake B. Ngayon, single pa rin si lalake B.

Case #7: Si lalake A, tatlong beses niloko ni lalake B na ka-relasyon niya. Una, nabuking si lalake B sa mismong kaarawan ni lalake A. Pangalawa, nabuking si lalake B ilang araw bago magpasko. Napatawad pa ni lalake A si lalake B dun sa una at pangalawang panloloko, pero nung pangatlo na, nasagad na si lalake A at nagdesisyong makipaghiwalay na. Masyadong maraming ginawa si lalake A para kay lalake B para magtiis pa nang ganun.

Case #8: Si lalake A, sinabihan ni lalake C na ang ka-relasyon niyang si lalake B ay sila pa rin. Nasaktan si lalake A, pakiramdam niya ay naloko siya ni lalake B kaya nakipaghiwalay siya nang walang usap-usap na nangyari. Nasaktan si lalake B, lalo na't hindi niya alam ang naging dahilan ni lalake A. Pagkatapos nang ilang taon, sinabi na ni lalake A kay lalake B ang dahilan. Dun lang nalaman ni lalake A na kasinungalingan ang mga sinabi ni lalake C dahil matagal na silang wala ni lalake B at sinisira lang sila. Nasayang ang magandang relasyon sana.

Case #9: Si lalake A, umalis nang bansa saglit, binilin ang ka-relasyon niyang si lalake B kay lalake C na kaibigan niya. Pagbalik sa bansa, nagkahiwalay si lalake A at lalake B dahil nalaman niyang nagkagusto si lalake B kay lalake C habang wala sa bansa si lalake A. Nagkagalit si lalake A at si lalake C. Ngayon, magkaibigan na uli si lalake A at si lalake C. Mas pinili ni lalake A si lalake C kaysa kay lalake B dahil mas mahirap pa rin makahanap nang kaibigan kaysa ka-relasyon.

Case #10: Si lalake A, nagdesisyong tapusin na ang relasyon nila ni lalake B. Masyadong kumplikado. Iba ang relihiyon, iba ang paniniwala, iba ang paninindigan, at iba ang mundo. Masaya sila nung una, pero gumulo na nang bandang huli. Kaysa masira ang magandang pagsasamahan, nanatili na lang silang magkaibigan. Naging maayos na uli silang dalawa. Pero mahal pa rin ni lalake A si lalake B hanggang ngayon.

Case #11: Si lalake A, hiniwalayan sa text si lalake B na ka-relasyon niya. Naabuso masyado si lalake A. Kinukuha lahat ang oras at nag-aaway sila pag hindi nasusunod ang gusto ni lalake B. Iniyakan ni lalake B si lalake A pero nasagad na ang pasensya ni lalake A. Pinanindigan ni lalake A ang desisyon niya na siyang kinagalit nang lubusan ni lalake B.

Case #12: Si lalake A, nakipagrelasyon sa mas batang si lalake B. Nagmahalan sila pero naisip ni lalake A na baka hindi magtagal ang relasyon dahil sa agwat nang edad. Nang dahil doon, napuno nang takot si lalake A at nagdesisyong iwanan si lalake B. Walang nangyari sa kanilang dalawa. At yun ang ginamit ni lalake A na dahilan kay lalake B para mabilis na lang ang hiwalayan.

12 cases of love. Bitter and sad cases. All of which belongs to one guy. But all of these are from the past. This guy has mastered the art of letting go that's why he has moved on so quick. His courage and strength in overcoming all of these made him a better person now. He had to go through with all of these pains so that he can grow in love and in life.

To the one guy who experienced this 12 cases of love, may the next case be the best and the last to give you great happiness you deserve. You have done so many goodness and you have made a lot of people better with their lives. I think it's time for you to experience blissful happiness. James, you deserve to be loved!!!

TL

10 comments:

Ego said...

ammm....
yah you really do!

:)

queerfaith said...

Its good to look back before starting the race, to remember what we have learned and to prepare ourselves for the unknown. But once we are already running the race, often times, we only stumble when we look back. There is no racer who looks back because his goal is the present, straining toward what is ahead.

zueeeee said...

Co...*hugs*

Mac & Hubbee said...

thanks ego...

dont worry queerfaith, i am not yet running the race. so pwede pa mag-look back. nag-aanalyze pa ako for a better strategy this time. hehe.

love you zue!!!

queerfaith said...

it's one way of saying we can't move on without leaving the shadows behind :-)
we wake up one day and only realize we start again from the beginning.

Daniel said...

as they say, we never move on. we just go forward. every thing that happens to our life will one way or another teach us a valueble lesson. experiencing those makes that guy, him. to that "guy", cheers and you deserve to be loved and cherish by someone you really deserve.

Mac & Hubbee said...

queerfaith - point taken..

sam - thanks. apparently that guy is me...

Daniel said...

i know it's you. haha! it's just nice to refer to that person as if it wasn't you. seriously i know. haha! good day TL!

Mac & Hubbee said...

oh okay. you sound intellectual not to get it so im right. you knew. good. hehe. good day to you too!

queerfaith said...

very true, everything that happens in our lives teaches us valuable lessons...but not everyone is willing to learn