July 4, 2009

Torpe


Sometime last week, during my soaking season with FaceBook, I had a chance to chat with Patrick Ong-iko. He was a former co-worker back in Libis QC, siguro mga 5 years ago na.

Naging crush ko si Patrick. Oo. Silent crush. I never told him that, nor pinagsabi sa mga common friends namin na crush ko siya. Wala lang. Basta natutuwa akong nakikita ko siya araw-araw noon sa work. Ang linis kasi, tsaka simpleng guy lang. Mabait. Not a head-turner though, pero he got my attention. Hehe.


Alam kong naramdaman na niya noon na crush ko siya. Sabi ko naman sa inyo di ba, masyado akong obvious pag malapit na sa akin ang crush ko. Tameme. Tumatalsik kasi ang utak ko pag ganun. Hehe. Anyways, so may mga kilig moments before but the TL 5 years ago is the same TL right now, mahiyain at umaatras ang dila at paa at lahat nang pwedeng umatras pagdating sa mga ganyan. Wala talaga akong lakas nang loob.

"Torpe ka naman eh..."

Yan ang sinasabi niya sa akin noon lagi, just to challenge me to do something. Sa sobrang hiya ko, wala talaga akong ginawa. Ewan ko ba. Hanggang sa lumagpas na lang ang lahat nang pagkakataon, nagkahiwalay nang landas nang natapos ang storya sa ganun. Nagkita na lang kami uli sa FaceBook after so many years.

"Torpe ka kasi eh..."

Yan pa rin ang paulit ulit na sinabi niya sa akin nung nag-chat kami last week. Although malakas na yung loob ko nang kaunti sa chat, at medyo kaya ko nang sakyan yung mga hirit niya, hanggang doon na lang yun. He's now in a relationship and I don't even plan to ruin it. Although he remains the guy that I liked before, has work, stable, malinis, disente, mabait at responsable. But we are now good friends. Nothing more than that. Unless makipag-break siya (joke!).

Nag-stuck lang talaga yung "torpe" word sa utak ko. Siguro nga, torpe talaga ako. Kaya lahat nang naging relasyon ko, mapa-babae o lalake, walang ligawan na pinagsimulan. "Gusto kita-Gusto mo ako-Tayo na" set-up lahat. Hindi talaga kasi ako marunong manligaw. Hindi ko alam kung paano.

Kaya kung may gusto akong tao, mananatiling gusto na lang kasi wala akong gagawing move. Hindi dahil nagfee-feeling gwapo ako, or pride something, but only because hindi ko lang alam kung paano sisimulan.
Sa maniwala kayo o sa hindi, mahiyain talaga ako. Nakasambot ata ako nang maraming hiya sa ganyang bagay. Hassle!

Torpe na kung torpe. Anong magagawa ko, ganun na talaga...

No comments: