July 14, 2009

On Text and Crushes


Feeling ko talaga, 18 years old lang ako. Kung kiligin ako sa crush ko, parang hindi ako 28 years old. Parang hindi pa nakaka-experience nang love. Haha. Nagparamdam na naman siya today. After a long time no text, he sent me one today. Hindi ko nga alam kung nainis ako o natuwa ako nung una kasi ngayon lang uli siya nagparamdam. But I guess, natuwa ako. Hehe.

"Hello. Hello. Hay naku, heto nagpaparamdam ang diwata! Ahahaha. Musta? Grabe natabunan na ako nang trabaho. Oi, sorry ha at ngayon lang ako nagreply."

Gusto ko siyang sagutin nang "Hmpf! Bakit ngayon ka lang nagtext?!!!". Pero siyempre, hindi ko naman magagawa yun. Hindi niya responsibilidad at hindi niya tungkulin. Although natutuwa ako pag magka-text kami. Hehe. Ang babaw nang kaligayahan noh? Hehe. He's back in manila and very busy with work. Sino siya? Hulaan niyo na lang. Masyado na siyang sikat sa blog and friends ko para mabanggit pa uli. Hehe.

"Kuya, dalawa may crush sa'yo... Hehe... Isang girl na bifem at isang guy na bi din... Hehe... Yummy ka daw..."

Yan ang text nang kapatid ko kanina while she was at work. Tanong ko, "Coot ba?". Pinakita ang pictures pagdating sa house. Para lang akong binubugaw. Hehe. Natawa ako sa "Yummy daw ako" part. Parang hindi akma. Nasuka ako. Haha. In fairness, the girl is pretty. Eto na naman ako, mas na-attract pa ako doon sa girl kaysa dun sa guy. Haha.


The other night, I watched the film Table for Three ni Brandon Routh. Damn it! Why is he born to be so perfect. All I want in a guy (well, actually, it's all I want to have in me) eh nasa kanya. Tall height, perfect nose and lips, manly voice, nice eyes and eyebrows, white teeth, fair skin, good built. Kung hindi man ako makahanap nang ganung lalake sa buhay, magkaroon na lang sana ako nang ganung features, kahit single for life, okay na. Hehe.

He's really the ultimate crush. Pero siyempre, close to reality and afar from superman, dito muna ako sa crush kong busy-busihan sa work. Hehe. Hindi man siya si Brandon Routh, pinakilig din naman niya ako...

7 comments:

queerfaith said...

In God's eyes, each and everyone of us is a perfect, precious and unique creation. Sadly, man's eyes are never satisfied. There is nothing wrong with admiring people of course, but we should never compare ourselves out of what and how God created and intended us to be.

Ego said...

infairness...what queerfaith stated is true!....hmmm...
...............

anywayz! I think yummy ka nman talaga!
i mean...kung kakakinin kita..mabubusog ako....
MALAMAN ka kaseh!

And i think you're not look 28...parang 26 lang....hehehe

Mac & Hubbee said...

salamat ha! oo na, baboy na ako!!! hehe. 26? sana tinodo mo na, ginawa mo nang 25 nang naligayahan ako. hehe.

Ego said...

hehehehe...

just kidding!

don't get me wrong! bout'the MALAMAN word..what i meant their is that..ammm...you're indeed to be adored by many!
..................
and sige na nga 25!..sabi mo eh!
but yeah...you're still young physically.... and emotionally too!
hehehe.....

Mac & Hubbee said...

haha. hindi din ego. baka magreact ang mundo sa sinabi mo. haha.

Ego said...

hindi rin...hehehe..
kung ano man ang sinabi! 220 yun!

alam mo ikaw....napaka negative mo!
why don't you look at bright side of my comment...
oh maniwala ka nalang?
.........
at tsaka tumatanggap din ako ng Thank you>>>....?
hehehehehe....

Mac & Hubbee said...

ok fine. thank you!!! wink wink