July 8, 2009

Umamin Ka!!!

Straight o Hindi???

"Umamin ka!"

Expression yan ni Gretel. Kapatid ni Hazel. Pangalawa sa apat na maria. Ina nang inaanak kong si Notnot. Babae si notnot. Nickname lang niya yun. Anyways, introduction lang yun. Hehe. Nakaka-aliw yang magkapatid na yan. Ang level nang humor, greatest tandem. Binisita kasi namin ni Drey si Uno last saturday at nakalabas na nga nang hospital. Andun kami siguro 9:30pm. Umuwi na kami ni Drey 3:30am. Tambay mode. Tawa-kwento mode.

"Hindi ka PLU"

Yan ang pinipilit sabihin sa akin ni Gretel. Wala daw sa aking lifestyle. Walang trace. Hindi daw ako tunay. Straight daw ako. Nagpapanggap lang na PLU. Siyempre, defense naman ako. Pero mapilit siya. Hehe.

"Iba siya Gretel"

Yan naman ang sabi ni Hazel. Pinipilit ipaintindi sa kapatid niyang iba ako sa the usual. Iba ang standards, iba ang lifestyle, iba ang most of my preference. Basta iba.

"Alam ko na ang problema ni Sir James ate, alam ko na..."

Yan daw ang sabi ni Grey kay Hazel one time sa kanya. Si Grey eh yung pangatlong maria, habang binabasa ang mga shout out ko sa facebook at ang blog ko. Alam na daw niya ang problema ko. Hindi daw talaga lalake ang gusto ko. Babae. Ngerks!

Ayan ang mga nakakawindang na statements nang Pobrero sisters. Wala lang statement yung pang-apat, si malik, may H1N1 daw sabi nila nang pabiro. Hehe. Pero nakakatuwang isipin. I never expected such conversation like that. Normally di ba, ang typical scenario, pinapaamin nang mga babae ang isang guy that he's gay. This time, baliktad. Hassle! Pinapaamin akong straight. Ano na!

To think na itong mga ito eh alam halos ang buhay ko. Para lang akong libro sa pamilyang ito, may story telling session si Hazel about me at work and my personal life. Kaya nga feeling ko part of the family na ako. Ako yung kuya, nag-iisang lalake. Hehe. But seriously, I so love this family. Crazy like me. Maybe that's why I belong. Hehe.

"Nagpapanggap ka lang"

Yan naman ang palaging sinasabi nang boss ko. Hindi rin siya ma-c0nvince na di ako straight. Ano na!!! Matapos kong ikwento sa kanya ang buhay ko, hindi na-convince?!!! Parang kakaiba di ba. May mga guys na nagpapanggap na straight sila at ayaw umamin. Ako itong hindi nagpapanggap, pinagkakamalang nagpapanggap. Kaaliw!

But in fairness, up to now, I still get attracted to girls, like our new Site Lead Tonichi. My gollie, she's so pretty. Na-mesmerized ako sa kanya kanina when she was introduced to me. Yikes! Kilig! Hehe. Pero hanggang doon lang yun. Ano na! At may kung dapat man akong aminin, eh hindi yung preference ko kundi....

SECRET! Saka na ako aamin. Pag sabay sabay nang nagsipag-sigawan ang mga friends kong, "Umamin ka!!!". Hehe.

5 comments:

Ego said...

ahahaha....

infairview....natawa ako!!!
....
pero what bothers me is 'bout
SECRET thing...kakasakit sa ulo!

ok na sana...yung start to middle...pero nagtalsikan ang mga braincells ko sa huli!

hehe...anyways,still nice parin!

Mac & Hubbee said...

pulutin mo uli yung braincells mo. baka kainin nang pusa. hehe.

Ego said...

ma try nga!

.......
bihira ....
walang new post!

Mac & Hubbee said...

sorry..busy... hehe. kilala ba kita ego?

Ego said...

ok lang...not used to it lang kaseh!
sipag mo kaya!
...............

ako? honestly hindi...
time will tell...
makikilala mo rin ako!