July 28, 2009
Amazing Aloha
Addiction is what I call it. I'm becoming a fan. Jollibee's Amazing Aloha is such a good treat for TL. I so love this burger for some reason. Wala na akong alam order-in sa Jollibee kundi itong masarap na burger nila. It's the fusion of the pineapple, bacon, lettuce, cheese, dressing, beef patties and the buns. Sobrang busog ka na pagkatapos mong kainin nang buo. Mabigat na sa tiyan. Thank you Jollibbee for this burger!!! Hehe.
At ganyan din ang hanap ko sa isang guy. Parang Amazing Aloha lang...
Gusto ko nang matapang na parang bacon, crispy, hindi madaling tibagin. Gusto ko nang sweet na parang pineapple slice, lalanggamin ako. Gusto ko nang may sense of fashion kahit papano na parang lettuce, may konting palamuti. Gusto ko nang romantic na parang cheese, cheesy. Gusto ko nang malaman na parang beef, sounds like buff. Gusto ko nang may random mood na parang dressing, para may mix of everything. At gusto ko nang malambot ang puso na parang buns, may maayos na pagkatao. Hehe.
Hihintayin ko si Jollibee na i-deliver sa akin ang right Amazing Aloha nang buhay ko. Gusto ko bitbit niya gamit ang maliit niyang pakpak at mabigat niyang katawan sa pag-deliver sa akin (cmon, imagine it). Hehe. Kakagutom. Magjo-jollibee na nga muna ako ngayon. Baka nandun si right guy, kumakain din nang Amazing Aloha. Haha. Bye!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hahaha..
kawawang jollibee! hindi na nga mabitbit yung tyan...magbibitbit pa ng lalake~!
hehehe
hehe. i know!!!
Post a Comment