July 16, 2009

What Rain Has Brought Me

It's been days since the rain started pouring down. Now I can really feel it's the rainy season. I get so wet every time I go out to my car, and that's even with a big yellow umbrella-ella-ella-eh. And our village gets flooded, which is the major sign for a rainy season for us. Bad trip!!! Hindi na tumigil ang ulan. Although I like the cool breeze it gives, pero hassle when it can stuck you to death at your house.

It's not only the rain that's been pouring lately in to my life.
Pain as well...


And how sad it is to be alone at this time.

Tuesday night, while I'm on my way to work, I suddenly felt that my sorrounding is moving like a circus. Umiikot ang paningin ko while driving. Buti na lang major super traffic sa SLEX at dahan dahan lang ang andar. Pero naging kalbaryo naman siya. I thought of going straight to the hospital but my team was waiting for me for our unveiling nang 3rd Quarter theme namin. I can't fail them. So dumeretso muna ako sa office at hindi nagpahalatang something is wrong.

After the unveiling, I went down to the clinic to have my blood pressure checked. Unfortunately, the nurse was on break, and the doctor will come in at 9:00pm pa. It was just only 7:00pm at that time. I decided to rest for a few minutes. Nahiga ako sa sleeping room. Pero sa pagtindi nang sakit, nag-decide na akong pumunta na nang hospital at gamitin ang natitirang lakas sa pagda-drive. I went alone. I decided not to drag anyone. I'm not used to that.

When I got there, chineck na nila yung blood pressure ko. Umabot na nang 150/90. Pinahiga na nila ako for observation kung bababa siya. Binigyan nila ako nang gamot which I can't recall kung ano yun, kung para ba sa blood yun or whatever. Basta ang naalala ko na lang eh nakatulog agad ako at naggising na lang, madaling araw na. Hassle! Hindi ko na nabalikan ang team ko.

I was asked to return the following day to have myself checked again. And so I did. I want to follow this time as I really want to go back to work. Gusto ko nang pumasok. Wednesday, umalis ako nang house nang maaga dahil plano ko ring magpa-trim nang hair after the check-up. Pagdating ko sa SLEX, super duper mega traffic. Bad trip! Walang choice kundi tiisin ang lintek na traffic. Pagdating ko sa hospital for a follow up check-up, eto ang sabi sa akin...

"Mr. Leyson, you can't go to work. You will need to rest and make sure you don't get stressed. There are several factors affecting your condition that's why you cannot tire yourself as your body needs to recover. You've got to go home. I won't recommend you for a fit to work."

Huwaaattttt!!!!!!

They've got to be kidding me. Sinuong ko ang matinding traffic at sinunod ko ang payo nilang bumalik para sa follow up check-up (which I rarely do) nang makapasok na ako tapos papauwiin lang nila ako. Hassle to the highest level!!! I swear, yun ang mga concerns ko that time. Nag-isip pa ako nang matindi pagbalik sa car kung susundin ko ba ang payo nang doctor o hindi uli. Malalaman ba nila kung susundin ko o hindi. Hindi naman di ba.

Nung nagpaalam ako sa team ko thru text, halos lahat sila ang reply eh, "Magpahinga ka nga! Wag ka nang pumasok!!!". Parang hindi nila ako boss noh. Ang coot coot. Hehe. Even my boss told me not to go to work. Unfair!!! Rally ito? One against all. Hassle. I had no choice, I got to go home and rest. Sinunod ko ang gusto nilang mangyari na huwag akong pumasok. Inisip ko, pwede na rin para makapasok na ako the next day. (persistent)

But since I'm at alabang na rin, nagpagupit na rin ako. Sayang naman ang pagkaka-stuck ko sa traffic nang matagal para umuwi lang ulit. Yun nga lang, mag-isa akong nagpagupit. Walang kasamang friend. Then the next day, I was so excited to go to work na kasi 2 days na akong hindi nakakapag-trabaho. Nag-normalize naman yung condition ko pagka-gising ko. I even texted my boss that I'm ready to go back to work. May blessing pa ni mamiko yan ha. Hehe.

Come 4:30pm, bigla akong nakaramdam nang panghihina, sumikip ang dibdib at nahihirapan huminga at gumalaw. Napabagsak ako sa kama habang nag-aayos nang gamit. The next thing that happened, bitbit na ako nang kapitbahay namin at dinala na ako sa malapit na hospital. Nag-slow down ang pump nang heart ko kaya muntikan nang mag-shut down ang system ko. Hay! Ang ending, hindi na naman ako pinayagan pumasok. Bad trip!!!

Messed up pa din ang traffic dahil sobrang lakas nang ulan. Uwian pa nang mga nag-oopisina. Kaya dinala muna ako sa SM Muntinlupa para pakainin. After kumain, iniwan muna nila ako at may binili silang tiles somewhere in Muntinlupa. Nagpa-iwan na ako. Ayoko nang tinatratong may sakit. Since walang gagawin sa house, I decided to watch Harry Potter na lang. Masakit man sa loob na panoorin ko siya mag-isa, walang choice, mabo-bore lang ako sa house. Shet!!!


Hinintay nila akong makalabas nang movie house. Coot di ba, para lang akong 8 years old. Then umuwi na. Ay, bago pala umuwi, dumaan muna kami sa Sogo. Ooops! Wag madumi ang utak. Kung ikaw ay taga-San Pedro, alam mong sa ibaba nang Sogo eh maraming bilihan nang DVD. Yun yung pinunta ko. Nag-shopping ako nang DVD para lang may magawa sa house. Naka-20 DVDs din ako. Panic buying??? Hehe.

Pagdating sa house, medyo excited sa planong movie marathon. Marami-rami din yun. Kaso, pagka-inom nang gamot, ay, kayanin niyo, bagsak agad sa kama. Sumara agad ang mata. Nawala na si planong movie marathon. Nag-good night na. Hassle! Kaya ayun, pagkagising nang 4am, bigla kong naalala na may report pala akong dapat i-send. Nagbukas nang laptop at tinapos ang dapat gawin. Nawala sa utak kong bawal pala akong magtrabaho. Hehe.

"I-define mo nga ang difference nang pahinga at tulog?! Kung kapatid lang kita, binungangaan na kita nang todo. Mahirap magsalita sa'yo. Ang tigas nang ulo!!! Seriously, alagaan mo sarili mo. Maraming tao ang sumasandal at umaasa sa'yo. Isipin mo, nag-aalala si mamiko. Wala siyang kaagapay sa'yo diyan to check you. 2nd, yung work mo. Hay naku, matulog ka na! Dami mo katwiran, baluktot naman. Makinig ka sa ate mo!!!"

Yan ang sunod sunod na text sermon ni Ash nung nag-send ako nang text update sa team about some stats. Hay! Nanginig sa takot si TL. Narinig ko na naman yung adjective ko, "Matigas ang ulo!". Hehe. Pati yung sa baba, matigas din. Just kidding. Hahaha. Hay! Wala akong kawala, sa bahay, may monster-mom. Pati sa work, may monster-ate. At may mga monster-friends. Bakit kamo?

"Hay naku, mag-uusap tayo. Umiiral ang pagka-nanay ko. Hmph!!!"

Text naman ni Drey. Takot pa naman ako doon pag nag-nananay mode. Buti na lang, naka-leave si Hazel. Walang kamalay-malay sa nangyayari sa akin. Isa pa din yung nagta-transform in to a monster-new-mom kung makapayo sa akin. Hehe. At least, si Drey lang. Napapalibutan na ako nang mga nanay. Hehe. Si Raech na lang ang hindi nag-nananay mode. Pero pagdating naman sa love, yun naman ang kinatatakutan ko pag nag-bibitch mode. Hehe.

Nahihilo na ako sa pinagsusulat ko. May sakit nga talaga ako. Hindi ko na alam sinasabi ko. Kung ano-ano na lang. Hehe. Baha pa rin sa labas nang bahay. Umuulan pa din. Andami pa ring adik sa facebook. Normal pa rin ang magulong mundo. Ako lang ang abnormal. Naka-kulong sa kuwarto kasama nang laptop at DVDs ko. What a great life. Boredom at its best. Who am I blaming for all of these? The rain. May maturo lang. Hehe.

No comments: