July 18, 2009
Spell Boredom
Pagkagising, kakain. Pagkatapos kumain, mag-oonline. Magche-check nang emails, updates sa facebook, titingnan ang blog pero di gagawa nang entry dahil tinatamad, magbabasa nang ibang blog, magda-download. Pagkatapos mag-online, manonood nang DVD. Biglang kakatok si mamiko para mag-utos nang kailangang bilhing materyales. Pagkatapos bumili, matitripang bumili nang kahit anong pagkain sa labas.
Pagbalik sa kuwarto, hihiga, kakainin ang biniling pagkain, manonood uli. Pag inantok na, matutulog. Minsan, bukas ang TV, minsan pag sinipag, papatayin para tipid sa kuryente. Amak mo yun, minsan, naiisip ko yun. Minsan din, naisip kong mag-exercise kasi puro na lang ako kain at hilata, tumataba na naman ako. Hindi na naman nakakapag-gym. Ang lamig kasi nang panahon, nakakatamad kumilos. Plus mahina pa ang katawan ko.
Pag wala na talagang magawa, kukulitin lang si mamiko. Mang-aasar, mang-iinis, mang-gugulo. Hindi ko naman makausap kapatid ko at isa ding may sakit at naka-kulong sa kuwarto niya. Hindi rin ako maka-alis, nahihirapan akong mag-drive nang malayo plus malakas pa ang ulan. Wala rin naman akong malarong aso at wala na si Thokie. Nakakatamad din mag-text. Yung ibang nag-text, tinawagan ko na lang. Bagot!
This is what I hate when I have to rest. Pinapatay ako sa boredom. I feel so arrested sa house. And I really hate it. Kaya please katawan ko (kausapin ko talaga noh?), gumaling ka na. I don't think I will last pa pag nag-extend yang kaartehan mo. Panay ka eksena. Ako ang kinakawawa mo. O nananadya ka lang? Hmpf! I want to have my life back. The active one.
I hope that this will be a new week for me, a good one, an exciting one. And I wish this to all my readers as well. May you have a cold but fun week ahead. Good morning!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ehehehe....
natuwa ako sa featured photo...
ganyan ka ba ma bored???
.................
bilib din ako sayo...
nakuha mo parin mag post!
kahit tinatamad ka nah.
gagaling din yan!!!
hehehe
Thank you!!! Ganun talaga pag adik. Hehe.
Post a Comment