July 29, 2009

Commutation


Tricycle from village to United Area (labasan). 8pesos ang bayad. Jeep from Labasan to Alabang. 10pesos ang bayad. Van from Northgate Terminal sa Alabang hanggang office. 10pesos ang bayad. Nasa office na ako.

Jeep from kanto nang Northgate to Alabang Market. 7.50pesos ang bayad. Jeep from Alabang to San Pedro. 10pesos ang bayad. Tricycle from United to our village. 25pesos ang bayad dahil special. Nasa bahay na ako.


P70.50 ang total nang transportation allowance.

Yan ang kwento nang aking byaheng commute. Yes! 2nd day ko nang nagko-commute uli after 10months of driving Khenzo. Why? Si Khenzo, nag-iinarte. Parang amo niya, may sakit. Ang break pad (according to Kate and Ka-ye) eh may diperensya na. Mahina nang humatak. Kaya si TL, mega-commute. Buti na lang hindi na masyado nag-uulan. Hindi masyadong hassle. Nakakatuwa din ang pakiramdam kahit papano.

Siyempre, for pre-cautionary measure, I decided not to bring Khenzo for the meantime hanggang mapa-ayos ko. Well, actually, mamaya ko na papa-ayos. Kasi sweldo na. Haha. Okay pa naman siya. Kahit papano, may naihahatak pang break pero dahil di yun safe para sa akin, lalo na mahilig akong sumingit, hindi ko na dinala. Sakto namang 5 hours shift lang yung 2 days na commute ko. Sana, maayos na siya mamaya at magamit na uli. Nakaka-miss din!

Masaklap lang, another gastos na naman. Hindi ko lang pinaparinig kay Khenzo. Baka magtampo at nagre-reklamo akong gastusan ko siya. Hay! Goodluck sa akin. Andami pa namang bills. Kung pwede nga lang magbenta nang laman para madami akong pera, gagawin ko. Kasi hindi ako gwapo. Wag na lang. Haha. Just kidding.

In fairness, nakaka-aliw talaga din yung pakiramdam na nagko-commute pumasok. Humbling experience, especially when you have a car na. I remember how I mastered some of the things pagdating sa pag-commute. Eversince, commute ako. Nung nag-aaral hanggang sa nagta-trabaho na. And I want to share those. Tumawa na kayo o mainis na kayo pero ito talaga ang totoo. Hehe.

- Pag sumasakay ako nang tricycle, I make sure sa loob ako uupo. Hindi pwede sa likod tabi nang driver. At kailangan din sa right side ako naka-upo sa loob, hindi sa kaliwa. Bakit? Kasi walang tama nang hangin. Magugulo ang buhok ko. Hehe.

- Pag sumasakay ako nang jeep, I make sure sa unahan ako uupo. Hindi pwede sa likuran. At kailangan din sa right side ako naka-upo sa unahan. Bakit? Aside from walang tama nang hangin at di magugulo ang buhok ko, I enjoy the side mirror. SALAMINgkero kasi ako. Hehe. At bakit ayaw ko sa likuran? Ayoko kasi nag-aabot nang mga bayad nang tao. At pag pumara, hindi na kailangan sumigaw. At pag bumaba, andali-dali lang. Hehe.

- Pag sumasakay ako nang bus, I make sure sa may bintana side ako uupo. Hindi pwede sa gitna o sa gilid na gitna nang bus. Bakit? Gusto ko kasi itinututok ko sa akin ang aircon at may view ako sa bintana. Bawal din ang ordinary bus. Well of course, exempted na yung mga "wala ka nang choice" moments.

Yan ang mga policies ko sa pagko-commute. Pinag-isipan at pinag-aralan ko yan dati. Ang hanging pampagulo nang buhok, ang mga nakaka-iritang pasahero, ang pag-abot nang mga bayad, ang siksikan sa pag-upo, ang aircon, at kung ano-ano pa. Minsan nga, nagpapalagpas talaga ako nang jeep or tricycle basta may naka-upo na sa gusto kong pwesto. Maghihintay talaga ako. For the sake of the buhok. Hehe.

Siyempre, iba na ang policy ko pag may kasama o kasabay. Sinusunod ko lang ang policies na yan pag ako lang mag-isa or madaling ma-convince yung kasama. Hehe. At siyempre, when I do travel adventure, wala na munang policies. Back-packer mode muna. Laging may dalang sumbrero. Hehe. Kung kilala mo ako at napa "ahhh, kaya pala" ikaw, yun na yun. Hehe.

4 comments:

Anonymous said...

- Pag sumasakay ako nang tricycle - ako eversince, gusto ko nakasakay sa likod ng driver. ewan. tamang trip lang.hehe

- Pag sumasakay ako nang jeep, I make sure sa unahan ako uupo. - ay pareho tayo dito. mas gusto ko rin sa harap. bukod sa mas maluwag at mas malamig na, mas safe pa. dami ko kasi naririnig na story na hinoldap sa loob ng jeep.

- Pag sumasakay ako nang bus, I make sure sa may bintana side ako uupo. - gusto ko rin sa tabi ng bintana para malibang at matutukan ng aircon.ayun.

Mac & Hubbee said...

nakakatuwa. meron din pala akoong katulad na may polisiya sa mga ganitong bagay. hehe.

Ron Centeno said...

May phobia na ako sa pag commute. Drive nalang ako. :-) musta na TL?

Mac & Hubbee said...

why? what happened? long time no see here sa blog ko ron ha. im good. you?