December 19, 2008

Mamiko the "Mother Wrapper"

For 3 consecutive days, nagbabalot nang regalo si mamiko nang mga gifts na ipamimigay ko. Basta tuwing uuwi ako nang may mga pinamili, itatanong niya agad kung may ibabalot daw ba siya. Pag binigay ko ang mga stuff, sisimulan niya agad yun. At kahit gaano kadami pa yun, gusto niya tatapusin niya agad. Adik!

Kanina, sa kusina niya napagtripan magbalot. Coot!

Tapos, maririnig mo yun, bigla-bigla na lang sisigaw nang, "Ang sakit na nang likod ko!!!". Siyempre, bilang concern na anak, magsa-suggest ka na magpahinga muna at di naman kailangan tapusin agad. Aba! Dededmahin ka. Itutuloy ang pagbabalot. Asan ang masakit na likod? Wala. Basta gusto daw niya, matapos ang pagbabalot. Fine!

For some reason, nakita kong nag-eenjoy siya magbalot nang mga gifts. Kaya ang ginagawa ko, hindi ko sinasabay lahat ang pamimili. So, I have something that she can wrap whenever I go home before christmas comes. I swear, ang sipag at tiyaga niyang magbalot. Kaaliw!

At in fairness, tingnan niyo kung gaano na kadami ang regalo na binalot niya. Majority nang gifts sa christmas tree eh sa akin. I just love giving gifts. It's the spirit of christmas!!! But I still lack some gifts for other friends. Kaya, may pahabol pa. May ipapabalot pa ako kay mamiko.


To mamiko, thanks! She's my "Super Mother Wrapper"!!!


Btw, this is my 100th post. Woohoo!!!

1 comment:

sha lang ako said...

hwow... nice tree! ayan ha.. nag-comment na ko. :p hindi lang po ako basa ng basa.