New gym.
New program.
New environment.
New people.
New year.
New program.
New environment.
New people.
New year.
Naging tahimik naman ang stay ko with FF compare nung first year ko way back years na. That was memorable. Na-trauma ako. Kaya this second time around, alam ko na what time safe mag-workout. I learned the drill. I found best ways to have a peaceful gym life.
Ayoko nang ikwento yun. Kinalimutan ko na yun. Actually, madami din akong memories with FF Alabang. Isa na nga yun. At isa pa, doon din namatay yung una kong naging BF. Inatake. Basta, madami. Hay, parang mamimiss ko tuloy ang FF. Kabisado ko na kasi ang mga machines. Pati mamimiss ko ang mga eye-candies. Hehe.
May 4 na instructor na talagang crush na crush ko. Pero siyempre di nila alam yun at never nilang malalaman yun lalo na't aalis na ako. Hehe. Tsaka crush lang naman. Pampa-inspire magwork-out. Di naman ako na-obsess sa kanila. Masaya na akong nakikita ko sila (uptight si TL).
Very convenient sa akin ang FF dahil 5 mins away lang siya from work. Di ka talaga tatamarin mag-gym dahil ang lapit lang (pero madalas, tinatamaan talaga ako nang "katam"). Ang Gold's, malapit din naman, siguro mga 10 mins away from work. May good deal kasi kaya kinagat ko. Sayang din.
Itotodo ko na nga ang pagwowork-out this month since it's my last. Mahalikan nga ang threadmill na lagi kong ginagamit on my last day. Hehe. Or, just a wild imagination, nakawan ko kaya nang halik yung 4 na crush kong instructor. LOL. Goodluck if I can have the guts to do it (again, uptight si TL).
Bye FF!!! Last month ko na 'to. Aabusuhin na kita.
(yuck the term)
(yuck the term)
** May mga isha-share pa sana ako. Kaso, wag na lang. Baka may magselos. Hehe **
1 comment:
Who're your crushes in FF Alabang? Let's compare notes hehe :D
Post a Comment