March 4, 2009

Baby Shower

Hindi na naman ako nakapasok kagabi. Nilalagnat na naman ako. Hay! Hazel was a bit worried in her texts dahil baka hindi na ako makapunta sa baby shower nila ni Ka-ye. Pinili ko talagang hindi pumasok para makapagpahinga nang makapunta ako sa event. Sigurado akong ikakagalit kasi nang dalawang buntis pag umabsent ako kaya pinilit ko talaga ang sarili kong gumaling.

I went to the office pagkatapos nang shift nila. Hassle pa nga kasi bumili lang ako nang inumin sa may gas station. Pagka-alis ko doon, aba, hinarang ako nang patrol, pinagkamalan pa ako nang something. Nag-init yung ulo ko sa interrogation na ginawa nila sa akin. Hay! Anyways, convoy ang apat na sasakyan sakay ang buong team with some guests na partners nang mga teammates ko (Jay-r of Bess, Alex of Roxee, Randy of Sherrie and Abi of Yron).


Nagstop-by muna kami sa Mini-stop sa may carmona exit at may binili pang mga stuff ang mga buntis. Then, we went ahead to The Manor where the baby shower will be held. We arrived there around 1:00am already. Siyempre, sa basement pa lang where we parked, pichur pichur na ang team. Pati hanggang sa elevator. Hehe.


Pag-akyat sa 4th floor, we were surprised on how beautiful the place was. Hazel's family were already there. They were the ones who decorated, prepared, cleaned and organized the venue for the baby shower. There were baby stuff and balloons hanged on the walls and curtains. The food was with us kaya pagdating doon, kainan na muna. Attack na ang buong team. Hehe.


After nang food, we had some fun activities especially made for the baby shower event. It was super fun. Wala na ata kaming ginawa kundi mag-laugh like there's no tomorrow (eto na naman etong there's no tomorrow ko). Saya! Even Jay-r, Randy and Alex willingly joined the fun kahit guests lang sila. Abi was helping Yron with his stuff as he was the one who hosted the fun activities.


I was enjoying the event pero may pasulpot sulpot na atake nang panghihina. Hassle! Kaya kung saan ako datnan, doon ako either sumasandal o sumasalampak sa sahig. While playing the third game, nanghina ako at sa kusina na ako sumalampak. Pero siyempre, pose pa din. Hehe.


After naman nang games, it was time for the opening of the gifts. Sobrang coot and heart-whelming nang part na yun kasi halos lahat nang gift, parehas yung sa kanila. Hehe. Sabi nga ni Ka-ye, BFF na daw sila ni Hazel from now on. Haha. They were so happy to see all the gifts they received for their precious babies Uno and Gab.


I wasn't able to buy some gifts since may lagnat ako the whole day. Di ako makaalis. Buti na lang, meron akong isang diaper cake na pinagawa in advance at yun muna ang naibigay ko sa kanila. Good thing I've thought of that idea. I'm happy that the preggies liked it.


Making this happen for our precious preggies is something to consider as an accomplishment for the team. Everyone is so excited for their babies to come out. That's why everyone was there. Para na talaga kaming isang pamilya na present sa lahat nang pangyayari sa mga buhay namin. I love my team. And I love my preggies so much...


Around 5:00am, nag-alisan na ang majority nang mga tao, lalo na yung mga taga-alabang area kasi sasabay sila sa may mga sasakyan. Ang naiwan, yung mga taga-san pedro. Sa akin sila sasabay. Gusto kasi namin hintayin sila Kumander na on the way na. Galing pa sila sa office kasama si Darwin (ex ni Kumander) at ang asawa ni Ka-ye na si Chris. Iba na kasi shift ni Kumander sa amin since na-promote na nga siya. Kaye pichur pichur muna while waiting.


At etong si Drey na lagi kong biktima sa Pichur Pichur 1-2-3, aba, nagbalak akong gantihan. She was able to take a video of me na kunwari picture pero she did not realize, siya pa ang nagmukhang victim sa video dahil nakakabaliw ang na-capture na tawa niya. Just see for your self in this video:



Pinaulit ulit naming pinlay at tawa lang kami nang tawa. Haha. Pagkadating nila Kumander, pinagpahinga muna namin sa loob. Ang ginawa naman namin nila Drey at Hazel, hindi namin pinalagpas ang Hallway nang The Manor. Nag-photo shoot kami. Haha. Partida ha, may sakit pa ako niyan. Feeling ko gumagaling ako pag may camera o photo shoot session. Hehe.


7:00am na kami nakauwi. Sobrang fun nung Baby Shower. It was an unforgetable event. Pagdating sa bahay, humiga lang muna ako para ipahinga yung katawan ko. Nanood muna ako nang DVD. Kailangan nang gumaling. Hay! To the preggies, Ka-ye and Hazel, kudos for a nice baby shower!!!

2 comments:

Ron Centeno said...

Wow! Looks like one great shower. Finally after all the shopping and preparations you did with them. :)

Mac & Hubbee said...

Oh yeah! Very fulfilling....